^

PSN Showbiz

Physically and emotionally, Lovi inabuso!

-

MANILA, Philippines - Pumayag palang magpa-rape at makipagtalik si Lovi Poe. Pero hindi naman sa totoong buhay, sa pelikula lang, Sagrada Familia. Pero kahit na, marami pa ring nagri-react sa mga ginagawa ni Lovi lately. Over na raw at parang hindi na bagay kay Lovi. Pero hindi naman lahat ay negatibo. May mga pumupuri rin sa anak ng namayapang hari ng pelikula na si Fernando Poe Jr.

Anyway, magkakaroon ng special screening ang nasabing pelikula bago ang simula ng pagpapalabas ng mga kasali sa Metro Manila Film Festival, na gaganapin sa December 23, sa Robinson’s Galleria Cinema 3 at dito huhusgahan na si Lovi.

Katuwiran ng malalapit kay Lovi na nasa edad na naman siya at si Joel Lamangan ang nagdirek kaya hindi ito pababayaan.

Ang Sagrada Familia ay isang pelikula tungkol sa isang pamilya na nasira mula nang umalis ang isang ina upang maging isang OFW (na ginampanan ni Snooky Serna) para sa pangarap niyang guminhawa ang kanilang pamilya. Iniwan niya ang kanyang pamilya sa pangangalaga ng kanyang mother-in-law (Gloria Diaz). Ang kanyang asawa (Emilio Garcia) na nakaramdam ng lungkot at pangungulila ay napagbalingan ang kanyang anak (Lovi Poe), ito’y kanyang inabuso ng pisikal at emosyonal hanggang sa masira ang buhay. Nang bumalik ang ina, nagulat siya sa mga pangyayari na naghihintay sa kanya.

Kasama rin sa Sagrada Familia sina Robert Arevalo, Jim Pebanco, Rico Barrera, at Felix Roco.

Ang istorya ng pelikula ay sinulat ng multi-awarded screenwriter Racquel Villavicencio, mula sa istorya nina Villavicencio at Lamangan.

Ito ang unang pagsabak ng Legalas Entertainment Production sa pagpo-produce ng pelikula, at si Dennis Evangelista ang line producer.

Ang Sagrada Familia ay magkakaroon ng dalawang showing sa Wednesday, 5:00 p.m.at ang VIP at celebrity night ay 7:00 p.m sa Robinson’s Galleria Cinema 3. 

Ang tikets ay mabibili sa box-office gate. (SVA)

vuukle comment

ANG SAGRADA FAMILIA

DENNIS EVANGELISTA

EMILIO GARCIA

FELIX ROCO

FERNANDO POE JR

GALLERIA CINEMA

LOVI

LOVI POE

PERO

SAGRADA FAMILIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with