Ding naospital
MANILA, Philippines - Dadalhin ni Darna (Marian Rivera) si Ding (Buboy Villar) sa ospital. Pagkatapos nito ay hahanapin naman niya si Eduardo (Mark Anthony Fernandez). Matatagpuan niya ito sa isang balon. Pero darating si Babaeng Lawin (Ehra Madrigal) at pauulanan sila ng blades!
Susundan ni Darna si Lawin pero lalapag ito sa gasolinahan dahil si Aleli naman ang nakagapos rito.
Masundan pa kaya ni Darna si Lawin? Mabawi na kaya niya ang power of speed?
Samantala, makikita na nina Impy (Mura) at Serpina na buhay na nga si Valentina (Iwa Moto) nang magbalik sila sa kweba.
Darating sa ospital si Narda at malalamang comatose si Ding. Sa paglapit niya sa kaibigan, magpa-flatline ang heartbeat ni Ding! Ito na ba ang katapusan ni Ding?
Pagpapayuhan ni Serpina si Valentina na huwag nang pag-aksayahan ng oras ang paghihiganti kay Eduardo kundi mag-focus na lang sa misyon nito. Mag-aaway ang magkapatid.
Kukunin ni Impy ang tungkod na hawak ni Valentina at lilikha ng pagyanig.
Magdedesisyon si Narda na huwag nang ituloy ang kasal.
Hihingi ng tawad si Narda kay guardian (Angel Aquino). Hihilingin niyang pagalingin nito si Ding.
Magpapakita si Valentina kay Eduardo. Ano ang gagawin ni Valentina sa lalaking minamahal?
- Latest


























