^

PSN Showbiz

Kahit may nagkalat na ebidensiya: Actress itinangging may karelasyon

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Naka-post sa Facebook account ng isang non-showbiz guy ang litrato nila ng isang magaling na actress na kanyang nililigawan. Sweet-sweet-an daw ang dalawa sa litrato at may reporter na nakakita, at pi­nurward sa ilang press people, kaya ’wag nang magulat ang actress kung isa sa mga araw na ito’y makita na lang ang litrato nila ng manliligaw sa entertainment columns at kumalat sa Internet.

Itinatanggi ng actress na manliligaw niya ang non-showbiz guy at ’di alam na very proud naman nitong inaaming he’s courting the actress. In fact, pati presscon ng actress, pumupunta ang lalaki para ipakitang suportado niya ang actress.

Kaya lang, ikatuwa kaya ng actress ’pag ku­malat ang litrato nila ng itinatangging manliligaw?

***

Hindi na Now That I Have You, kundi Ikaw Sana ang title ng bagong soap nina Mark Herras at Jenny­lyn Mercado na magpa-pilot sa Sept. 21. Mula sa kanta ni Ogie Alcasid ang title ng soap na isang original production ng GMA 7 at papalit sa All My Life.

Kasama rin sa Ikaw Sana si Pauleen Luna na min­­sang na-link kay Mark at sa soap, gagampanan niya ang role ng kapatid ni Jennylyn at GF ni Mark na mai-in love kay Jennylyn ang karakter at dito magsisimula ang conflict.

Magsisilbing reunion ng tatlong bida at ni direk Joel Lamangan ang Ikaw Sana dahil sila rin ang magkaka-trabaho sa pelikulang Blue Moon ng Regal Films.

***

Cute ang eksena nina Jennica Garcia at Mart Es­cudero sa presscon ng SRO Cinemaserye Presents: Reunion. Dumating ang young actress na ang suot na damit ay kita ang cleavage at lalong nai-expose ’pag yumuyuko siya.

Nakita ng press nang sitahin ni Mart si Jennica bago sila umupo sa presidential table at pinatatakpan ang cleavage. Kaya nang umupo na sila kasama sina Sheena Halili at Rainier Castillo, tinakpan na ni Jennica ng mahaba niyang buhok ang cleavage.

Balik-tambalan sina Jennica at Mart sa comedy episode ng SRO na magsisimula sa Sept. 17. Balik-ligaw din ang young actor sa young actress at sa sinabing papunta na uli sa relasyon ang status nila ngayon, nag-react si Jennica, later on ay nagpahayag ng “masaya akong natapos ang relasyon naming friends kami at mas masaya ako ngayon na mas madalas na kaming nag-uusap.”

Sa Sept. 17 na simulang mapapanood ang Reunion.

***

Masaya ang mga taga-TV5 sa napanalunang three major awards sa katatapos na 1st MTRCB Awards na ginawa noong Sept. 4 sa Cinema 5 ng Gateway Mall.

Napiling best talent show ang Talentadong Pinoy hosted by Ryan Agoncillo na nanalo ring male star of the night. Ang Wow Mali! hosted by Joey de Leon ang best comedy show, at ang Mustard TV ang best children’s show.

***

Si US Marshal Carrie Stetko (Kate Beckinsale) ay magiging mas peligroso sa bagong suspense-thriller na Whiteout mula sa Warner Bros.

Bilang tanging kapulisan sa Antarctica, iimbes­tigahan ni Stetko ang kaso ng natagpuang labi sa gitna ng malawak na yelo. Ito ang kauna-unahang kaso ng homicide sa Antarctica. Isang kabigla-biglang pangyayari, ihuhulog siya nito sa mas nakakagimbal na misteryo at sa mga rebelasyon ng mga sikretong matagal nang nakalibing sa ilalim ng walang-hangganang yelo, mga sikretong dapat protektahan, kahit pa pumatay dahil sa mga ito.

Palalabas na ang Whiteoutsa buong Pilipinas simula Setyembre 16.

vuukle comment

ACTRESS

ALL MY LIFE

BALIK

BLUE MOON

CINEMASERYE PRESENTS

GATEWAY MALL

IKAW SANA

JENNICA

JENNICA GARCIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with