^

PSN Showbiz

Edu na mis-interpret?

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Umabot pala sa halos P55 million ang halaga ng shooting equipments ng Star Cinema na kasamang lumubog sa SuperFerry 9 last Sunday ng madaling araw. Ito ay bukod pa sa nasawing isang staff ng pelikulang Ang Tanging Ama Mo starring Joseph Estrada and AiAi delas Alas.

Pero walang idea si Direk Olive Lamasan kung insured ang mga   equipments dahil malaking halaga rin ang mga nasabing kagamitan.

Sa interview kay Direk Olive na para sana sa promo ng idinirek niyang pelikulang In My Life, malungkot ang direktora lalo pa nga’t ina-update siya na kahapon habang nakikipag-tsikahan sa press na 5:00 p.m., dumating na ang katawan ng nasawing cameramen nila na kilalang Kulot ng kanyang mga katrabaho.

Naikuwento rin ni Direk na may mga nagsabi sa kanila na may premonition na si Kulot bago pa man ito sumakay ng barko. Nang paalis na raw ito, hindi nakita ang mukha niya nang ibang kasamang nagpaalam sa kanya.

Pero pasalamat pa rin daw at nakatawag kay Ms. Tess Fuentes, executive ng Star Cinema ang Unit Head na si Alvin habang nara­ramdaman nilang may masamang mangyayari sa sinasakyan nilang barko kaya madaling na-advice ni Ms. Tess sa ABS-CBN News Department ang balita na agad namang tumawag sa Coast Guard. Dahil doon, madaling na-alert ang Coast Guard at nakapagpadala agad ng rescue team kaya kakaunti ang namatay sa nasabing trahedya.

Almost one week ang itinagal ng grupo ng Star Cinema sa General Santos at aliw-aliw daw ang mga ito kay Mommy Dionisia Pacquiao dahil sobra ang ginawa sa kanilang pag-aasikaso matapos itong dayuhin sa GenSan para kunan ang mga eksena niya kasama si Erap at Toni Gonzaga bago naganap ang trahedya sa sinasakyan nilang barko pabalik ng Maynila.

* * *

Ipapalabas sa SM Cinemas ang In My Life. Si Direk Olive din ang nagbalita na nagkaayos na ang Star Cinema at SM management matapos ang meetings ng dalawang kampo.

Ipinagdasal daw ito ni Gov. Vilma Santos, ayon pa kay Direk Olive na matagal naghintay sa pelikulang ito ng Star For All Seasons.

May tatlong premiere night ang comeback movie ni Gov. Vi, John Lloyd Cruz and Luis Manzano. Dalawa dito ang sa SM, SM Batangas (September 14) and SM Megamall at isa sa Trinoma (September 15).

Matatandaang hindi naipalabas ang huling pelikula ng Star Cinema (And I Love You So) sa SM Malls dahil daw sa problema ng remittances ng SM sa nasabing film arm ng ABS-CBN.

* * *

Controversial ang naging speech ni Edu Man­zano sa kauna-unahang MTRCB Awards na ginanap last weekend. Ikinagulat daw ni Edu ang nasa­bing issue. Wala raw itong ibang gustong ipakahulugan sa kanyang sinabi.

Hiniling niya na sana ay maintindihan siya na wala siyang gustong saktan.

Ipinadala niya ang kabuuan ng kanyang speech.

Para mas malinaw, narito ang buong acceptance speech ng TV host/actor :

“I would just like to say na in the course of my almost three decades of being part of the television and film industry, there would be now be two awards that I will hold especially close to my heart …one will be the MTRCB for what it stands for and also an award that I have been receiving two years running at ‘yan po ay Anak TV Awards.

The reason why I speak about it is because of late at mula noong ako po ay nakapagsimula sa Optical Media Board for over five years, I have seen the speed with which technology is being developed.

Everybody now has access to televisions and computers at lahat po ng bagay ay accessible sa telebisyon and there’s no stopping the technology from developing even further. And I also have come to realize na napakalaki po ng aming responsibilidad sa manonood and I take it upon myself that I would also put up my own set of standards that I would feel confident to let my eventually grandchildren watch. And I hope this will continue to inspire us to realize that television will serve a bigger role in nation building in the future. 

Kaya pag-ingatan po natin ang ating mga programa at alagaan po natin ang ating mga manonood.

I didn’t expect it. Mr. Dantes maraming salamat.

To all of you in the MTRCB thank you.”

vuukle comment

ANG TANGING AMA MO

COAST GUARD

DIONISIA PACQUIAO

DIREK

DIREK OLIVE

EDU MAN

GENERAL SANTOS

IN MY LIFE

STAR CINEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with