^

PSN Showbiz

Goma mas madalas na sa Ormoc

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Malaki pala ang kinikita ngayon ng isang character actor sa isang pulitiko na nagpaplanong tumakbong presidente sa eleksiyon sa susunod na taon. Kaya kuntento na raw ang dating in demand na kontrabida sa pag-ala-alalay sa nasabing pulitiko habang ang mga kapanabayan niya ay hirap na sa buhay dahil walang permanenting trabaho dahil madalang na sa patak ng ulan ang pelikula ngayon.

Samantalang ang aktor daw na ito, pa-goodtime-goodtime lang kasama ang grupo ng pulitiko.

* * *

Sobrang lalaswa na ngayon ng ibang music video. Hindi na advisable panoorin kahit ng mga teenager.

Grabe ang intimate scenes mapa-lokal o imported music videos.

Wala ba ditong puwedeng gawin ang Movie and Television Review and Classification Board?

Actually, hindi lang video kahit ang mga lyrics ng kanta, grabe na.

* * *

Mas matagal na ang inilalagi ni Richard Gomez sa Ormoc City ngayon. Four days siya roon at three days na lang naglalagi dito sa Maynila.

Kahit ang asawa niyang si Lucy Torres ay madalas na rin sa kanyang dating probinsiya kasama ang anak na si Julianna.

Pero hindi pa nakakapag-decide si Goma kung tuloy na ang plano niyang pagtakbo bilang congressman sa probinsiya ng asawa. “Depende sa survey,” sabi ni Goma nang maka-tsika namin last week sa ‘party’ para kay Tito Douglas.

Wala nga ang mag-ina niya sa nasabing party dahil kasalukuyan daw itong nasa Ormoc.

vuukle comment

GOMA

GRABE

JULIANNA

KAHIT

LUCY TORRES

MOVIE AND TELEVISION REVIEW AND CLASSIFICATION BOARD

ORMOC CITY

RICHARD GOMEZ

TITO DOUGLAS

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with