Anti-Hayden in demand sa Facebook
MANILA, Philippines - Sa social networking site na Facebook sa internet, inihayag ng maraming user nito ang kanilang galit o pagkondena sa kontrobersyal na cosmetic surgeon na si Dr. Hayden Kho dahil sa pag-video niya sa pakikipag-sex ng aktres na si Katrina Halili, model na si Maricar Reyes at sa iba pang babae. Damay din ang ilang costumer sa Belo na kinukunan umano ni Hayden sa cellphone habang nagpapa-body scrub. Isa sa sinasasabing nakunan ni Hayden si KC Concepcion.
Ngayon, grupo ang nabuo sa Facebook na pawang kumokondena at nagpapanukala ng parusang dapat gawin kay Hayden. Merong minumura ang doktor, ginagawa siyang katatawanan at ang mukha sa kanyang picture ay nilagyan ng sungay. Ang iba naman ay nagmungkahing putulan ng ari si Hayden at tanggalan ng lisensya sa pagka-doktor.
Kabilang sa mga binuong grupo ng mga user ng facebook nitong nagdaang linggo ang Hayden Kho Haters na meron nang 1,090 miyembro; Hayden Torture Group na may 376 member at ang Anti-Hayden Kho group na may 15 member.
Ayon sa promotor ng Hayden Torture Group, nais nilang mabigyan ng pagkakataon ang mga symphatizer nina Katrina at Maricar na maihayag ang nararamdaman nila laban sa kontrobersiyal na doktor at ang tingin nila ay parusang dapat igawad dito. “Katuwaan lang ito,” sabi ng nagpapakilalang neighborhood vigilante na Alex Boncayao na nagpasimuno ng Hayden Torture Group.
Hindi lang sa Pilipinas nagmula ang mga miyembro ng tatlong anti-Hayden group kundi mga Pilipinong nasa iba’t ibang bansa tulad sa Canada at Hong Kong.
- Latest





















