^

PSN Showbiz

Sex scandal nina Hayden at Katrina international news na; Aurora Sevilla sobra ang paghihirap

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Ilang araw nang pinag-uusapan sa buong bansa ang sex video scandal ni Hayden Kho, Jr. pero kahapon lamang ito na-pick up ng international press. Better late than never di ba?

‘Yun nga lang, mali-mali ang balita ng international media dahil tinawag nila na up-and-coming film star si Katrina Halili eh matagal na itong nag-aartista.

Walang ipinagkaiba kay Katrina si Sherwin Ordoñez na nominated sa New Movie Actor Category ng PMPC Star Awards for Movies eh matagal nang artista si Sherwin.

* * *

Ipinagdarasal ko talaga na makatulong kay Dra. Vicki Belo ang dalawang linggo na pagbabakasyon niya sa Europe para magising na siya sa katotohanan.

Wish ko talaga na makatagpo si Mama Vicki ng lalake na karapat-dapat para sa kanya. Isang lalake na magmamahal sa kanya ng tapat at hindi dahil sikat o mayaman siya.

At kay Hayden naman, gusto kong makita na sincere ang paghingi niya ng sorry sa kanyang mga naging biktima.

Sa tingin ko naman, mukhang may hakbang na gagawin ang PRC laban kay Hayden dahil kitang-kita ang mga ebidensiya na nadungisan ng mga sex video ang kanyang reputasyon bilang doktor.

* * *

Malaki ang ipinayat ni Mama Vicki mula nang pumutok ang sex video scandal ni Hayden. Apektado rin siya ng problema na ginawa ni Hayden dahil sa sobrang pagmamahal niya.

Sinabi sa akin ni Mama Vicki na wala na silang relasyon ni Hayden. Tinutulungan na lang daw niya si Hayden para maka-recover ito sa depression. Kung hanggang kailan, ‘yan ang hindi ko masasagot pero kung mangyayari ito, marami ang tiyak na matutuwa.

* * *

Joke lang ang sinabi ko kahapon na wala na si Butch Francisco sa Startalk. Nagpunta si Butch sa Amerika para interbyuhin si Sandra Bullock.

Si Butch ang pinapunta ni Ricky Lo sa Hollywood para mag-interbyu kay Sandra para sa Philippine Star at Startalk.

Bukod sa pag-interbyu kay Sandra, may mga personal na aasikasuhin si Butch sa Amerika kaya two weeks siyang mawawala sa Pilipinas.

* * *

Nalungkot ako nang mapanood ko kahapon sa Wish Ko Lang si Aurora Sevilla. Sino ang mag-aakala na maghihirap si Aurora na richie-rich noong araw at maraming alagang kabayo.

Para magkaroon ng mga alagang kabayo, kailangang mucho dinero ka. Paboritong leading lady si Au ng mga action star.

Naging beauty queen muna siya bago pumasok sa showbiz. Nakakaantig ng puso ang nangyari kay Aurora dahil kahit sa panaginip, hindi niya naisip na makakaranas siya ng matinding kahirapan.

Kung hindi nalulong si Au sa masamang bisyo, siguradong maayos ang kanyang buhay at hindi siya maghihikahos. Aral para sa lahat ang nangyari kay Aurora at sa ibang mga tao na naging pabaya o hindi pinahalagahan ang kanilang magandang kapalaran.

vuukle comment

AMERIKA

AU

AURORA SEVILLA

BUTCH FRANCISCO

HAYDEN

KAY

MAMA VICKI

PARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with