^

PSN Showbiz

Starstruck survivor namigay ng T-shirt sa Hotel

-

MANILA, Philippines – Sinorpresa ng Starstruck Season 4 survivor Kiko Junio ang Four Seasons Hometel sa 111-B. Scout Lozano Street (malapit sa Mang Inasal resto ng Tomas Morato), Quezon City noong minsang nagpahinga siya dito.

Nagulat na lang ang mga staff nang nagbigay ng mga branded T-shirts ang reality show contestant. Inisip na lang nila na malamang ay natuwa ang binata sa personalized service ng staff.

May mga ilan nang artistang pumunta sa Four Seasons Hometel pero karamihan sa mga guests ay turista, balikbayan at galing sa probinsiya. Ayon kay Kiko at sa iba pang naging panauhin, malinis, tahimik, private, at mura kasi ang lugar nila.

Kung nais subukang magpa-book, tumawag lang sa 24-oras hotline na 413-8235 o 377-6968 o mag-text 09228901893. Ang airconditioned room nila sa 12 oras na pag-okupa ay P350 lang at P700 naman kung 24 oras.

* * *

Iskul Bukol nasa video na

Sino ba ang hindi makakaalala sa long-running sitcom na Iskul Bukol na pinangungunahan nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon? Maituturing na isang milestone sa industriya ng telebisyon ang show na tumagal ng sampung taon sa ere.

Hindi makakalimutan ng mga fans ang Wanbol University kung saan nangyari ang mga kaguluhan at kabalastugan ng sikat na Escalera Brothers (Tito at Joey) kasama ang probinsiyanong si Victorio Ungasis (Vic).

Mula sa telebisyon, naging isang malaking tagumpay at certified blockbuster ang pelikulang Iskul Bukol 20 Years After (Ungasis and Escalera’s Adventure) nang ilahok nila ito noong 2008 Metro Manila Film Festival. Ngayon nga ay mabibili na ito sa video format.

Sa nasabing pelikula, isa nang archeologist si Vic at kasama sina Tito at Joey ay sumabak sila sa paghahanap ng isang silver coin na may kakayahang magbigay ng imortalidad sa sinumang may hawak nito. Dito hihirit ang tatlo sa katatawanan na tiyak na ikasasakit ng tiyan ng mga manonood.

Hitik sa walang tigil na gimik at aksiyon, ang Iskul Bukol 20 Years After ay mabibili na sa DVD (P600) at VCD (P299) mula sa Viva Video, Inc.


vuukle comment

ESCALERA BROTHERS

FOUR SEASONS HOMETEL

ISKUL BUKOL

KIKO JUNIO

MANG INASAL

METRO MANILA FILM FESTIVAL

QUEZON CITY

SCOUT LOZANO STREET

YEARS AFTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with