^

PSN Showbiz

Keempee ayaw paligawan ang anak

- Veronica R. Samio -

Hindi naman itinatago ni Keempee de Leon ang kanyang anak na si Sam, 13 years old, at kaga-graduate lamang ng elementarya, pero hindi rin naman niya ipinangangalandakan ito. Hindi man sila kasal ng ina nito na siyang nangangalaga sa bata at may sarili nang pamilya, napapanatili nila ang kanilang friendship.

Aware si Keempee na kahit hindi pa siya pumapayag ay nililigawan na ang kanyang anak.

“Sa isang coed school siya nag-aaral kaya hindi maiiwasan ang ganyang mga ligaw-ligawan pero hindi ko pa siya pinapayagan na maligawan ng pormal. Tama na muna yung crush-crush o puppy love. Mahigpit ako, alam ko yata ang kalokohan ng mga boys, pinagdaanan ko yata ’yan,” katwiran ng ama.

Madalas mapagkamalang kapatid lang ng anak si Keempee dahil kasing-taas na niya ang dalagita. Itinatanong nga sa kanya kung bakit maliit siya.

“Sabi ko hindi ako maliit, nagmana lang siya ng tangkad sa kanyang ina,” natatawang saad ni Keempee na may mahalagang role sa All About Eve, bilang isang straight guy.

“Ma-chicks ako rito at nakikipagsuntakan na parang machong-macho sa mga co-stars kong lalaki,” sabi niya.

* * *

Malaki ang pasasalamat ni Mark Anthony Fernandez sa seryeng All About Eve. Dahil dito ay nabili niya ang bahay na katabi ng tinitirhan niya kaya malaki na ang tinitirhan niya ngayon. Naibili na rin niya ng kotse ang misis niya kaya may sarili na itong sasakyan at siya na lamang ang gumagamit ng Pajero na dati ay gamit ng buong pamilya.

“Sa Cebu ko pa ito nabili at second hand lang pero okay na sa misis ko. At least sarili na niya. Sabi ko kapag nakaipon kami ng sapat, saka ko na lamang siya ibibili ng bago,” may tonong pagmamalaki ni Mark Anthony.

Sila ni Vandolph na anak ni Alma Moreno ay nakabahagi pala sa dowry ng kanilang ina nung ikasal ito sa Muslim na mayor na napangasawa.

“Maliit lamang ang halaga. Hindi naman kalakihan pero mas malaki yung ibinigay sa amin ni Vandolph kaysa sa iba naming kapatid,” sabi niya.

vuukle comment

ALL ABOUT EVE

ALMA MORENO

KEEMPEE

MARK ANTHONY

MARK ANTHONY FERNANDEZ

NIYA

SA CEBU

SABI

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with