^

PSN Showbiz

Isa pang anak ni Francis M. nasa showbiz na

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Ewan ko ba pero feeling ko wagi na naman ang Hole in the Wall ng GMA 7. Trailer pa lamang ang napa­nood ko pero natawa na ako. Malaking bonus na pampasaya ng bagong game show ang pagiging host nina Ogie Alcasid at Michael V. hindi bilang sila kundi bilang sina Angelina, ang spoiled brat, at ang Yaya, na palagi niyang tinatawag na “loser.”

May pagka-Takeshi’s Castle ang Hole in the Wall pero dito ang mga contestants ay kailangang mailusot ang sarili nila sa isang gumagalaw na dingding na wawalisin sila para sila mahulog sa tubig. Para hindi mahulog sa tubig, kailangang isunod nila ang mga katawan nila sa korte ng butas sa wall na sasagasa sa kanila.

Sa rami ng palabas ng dalawa at iba pang trabaho sa labas ng network ay nakakaya pa kaya nilang bilangin ang pera nila? Siyempre, natawa sila sa tanong pero nagawang sabihin na nakabili na sila ng bahay at kotse mula sa kanilang mga kita.

* * *

Nagsisimula nang magparamdam ang anak ni Francis Magalona na si Arkin Magalona. Ngayon lamang kasi nalaman ng lahat na siya pala yung madalas gumanap na batang Dingdong Dantes sa mga palabas nito. Ngayon hindi na lamang siya artista, commercial model na rin siya.

I’m sure nasaan man si Francis ngayon, masaya na ito, meron siyang mga anak na sumusunod sa kanyang yapak. At kahit malungkot ang naging paglisan niya, naging dahilan ang pagkamatay niya para tuluyan nang magbati ang kanyang mga anak na sina Saab at Maxene na buhay pa siya ay may samaan na ng loob.

* * *

Sa rami ng mga artista na lalahok sa pulitika sa 2010, maraming artista na walang proyekto ang maki­kinabang. May panahon kasi na kailangang tumigil sa kanilang mga trabaho ang mga artistang kakandidato bilang pagsunod sa ruling ng Comelec.

Siyempre, kailangang punan ng iba yung pwestong mababakante nila. Ang kagandahan sa showbiz, kapag hindi sinuwerte ang artista sa kanyang pagtakbo, maaari pa niyang balikan ang kanyang pag-aartista.

Si Edu Manzano raw ay maaaring palitan sa hosting job ng kanyang anak na si Luis. Maswerte si Edu dahil madaragdagan ang trabaho ng anak niya. Si Alfred Vargas ba afford na tumigil pansamantala sa kanyang pag-aartista? Si Lani Mercado, pinaghahandaan na ang kanyang pag-join muli sa politics. Balita ko, magkokonsehal din si Keempee de Leon. Ito rin ang tatakbuhin ni Arnell Ignacio. Hintayin ko na lang.

* * *

Sayang talaga si JC de Vera. Ngayo’y baka tuluyan na siyang maging frozen delight. Andun ako sa kontrobersyal na pag-uusap nila ni Ms. Wilma Galvante, nakita ko siyang umiiyak nun. Ang hindi ko lamang matiyak ay kung ang dahilan ng pag-iyak niya noon ay siya ring ibinibigay niyang dahilan ngayon.

Naaawa rin ako sa kanya dahil naipit na siya sa dalawang nag-uumpugang bato. Sana malampasan niya ito.

vuukle comment

ARKIN MAGALONA

ARNELL IGNACIO

DINGDONG DANTES

FRANCIS MAGALONA

KANYANG

MICHAEL V

MS. WILMA GALVANTE

NGAYON

OGIE ALCASID

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with