^

PSN Showbiz

Asawa ni direk Cathy pagkalaglag sa bike race ang ikinamatay

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Mama Salve, hindi pala vehicular accident ang ikinamatay ng asawa ng direktor na si Cathy Garcia-Molina.

Sumali pala siya sa mountain bike race sa Baguio City at nalaglag siya mula sa kanyang bisikleta na naging dahilan ng pagkamatay niya.

Masama raw ang pagkakabagsak ni Epoy  (name ng asawa ni Cathy) kaya isinugod siya sa ospital pero sa ka­samaang-palad, binawian din siya ng buhay.

Naalaala ko tuloy ang nangyari kina Na­tasha Richardson at Jay Ilagan na halos kapareho ng nangyari sa asawa ng direktor ng You Changed My Life at A Very Special Love.

Nabagok ang ulo ng misis ni Liam Nesson habang nag-aaral mag-ski at natumba naman ang motorsiklo na pinatatakbo ni Jay. Ang pagkakaiba lang, nabuhay pa ng ilang oras si Natasha, si Jay naman, hindi na nagkaroon ng malay.

Hindi kami magkakilala ni Cathy pero nakikiramay ako sa kanya at sa dalawang anak na naulila ng asawa niya. Tatlong taon lamang pala ang panganay nina Cathy at Epoy. Nabalitaan ko na hinahanap na nga raw ng bagets ang kanyang ama. Napakabata pa niya para maintindihan ang nangyari sa kanyang tatay.

* * *

Nag-guest na pala si Gabby Concepcion sa cooking show ng kanyang ex-girlfriend na si Janice de Belen.

Ginisang monggo na may ampalaya ang niluto ni Gabby at ipinakain niya kay Janice. Witness ako noon sa relasyon nina Gabby at Janice. Si Gabby ang unang boyfriend ni Janice at talagang in-love na in love ito sa aking dating alaga.

Matagal na ’yon. Siyempre naman, wala nang feelings para sa isa’t isa sina Gabby at Janice. May kanya-kanya na silang buhay. Friends na lang sila.

* * *

Agree ako sa opinyon ng mad­lang-people na parang wala sa sarili si Gretchen Barretto nang umapir ito sa The Buzz noong Linggo.

Parang lumilipad ang utak ni Greta, hindi lamang sa guesting niya sa The Buzz dahil floating din siya sa guesting niya sa ASAP ’09.

May problema ba si Gretchen o talagang excited lang siya sa pagpo-promote ng kanyang pangalawang album?

Hindi fresh si Greta sa kanyang mga TV guestings noong Linggo kaya may duda ako na may gumugulo sa kanyang isip. Gumugulo raw o!

* * *

Maraming salamat kay Alfred Vargas dahil sa matatamis na mangga na ipinadala niya sa akin.

Ipinagmamalaki ni Alfred na unang ani sa kanyang farm sa Bulacan ang mga mangga na natanggap ko. Kasing sweet si Alfred ng mga mangga na siguradong hindi niya binili sa Nepa Q Mart.

May experience ako noon na pinadalhan ako ng isang kaing na mangga ng artista na hindi ko na sasabihin ang name. Ipinagyabang sa akin ng artista na galing daw sa kanyang farm ang mangga.

’Daay, ang pagkakamali ng artista, hindi niya ininspeksyon ang kaing. Hindi niya natanggal ang pruweba na binili mula sa Nepa Q Mart ang mang­ga. Pinabayaan ko na lang ang kanyang ilus­yon. Napakamaldita ko naman kung ako na nga ang binigyan ng prutas, ako pa ang magbubuking na hindi true na galing sa farm niya ang mga mangga.

vuukle comment

A VERY SPECIAL LOVE

AKO

ALFRED VARGAS

BAGUIO CITY

CATHY GARCIA-MOLINA

JANICE

KANYANG

NEPA Q MART

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with