^

PSN Showbiz

Janina San Miguel sa yate mini-meeting ni Tony Boy Cojuangco

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Uunahan na namin sina Isabel Oli at Jennica Garcia, walang kinalaman si Nadine Samonte sa item na ito at kaya namin isinulat para ituwid ang iniisip nilang si Nadine ang source sa nasulat namin at ng ibang press na pagsunod ng cager na si Wesley Gonzales sa kanila, especially kay Isabel sa Boracay few weeks ago.

Nagulat daw sina Isabel at Jennica dahil detalyado ang pagkakasulat na pati oras na pagdating at pagbalik ni Wesley ng Manila (8:00 am-11:00 a.m ay nala­man). Inisip ng dalawa, si Nadine lang ang puwedeng magkuwento dahil kasa­ma nila at kilala namin. Kaya lang, hindi lang kami ang nagsulat noon, ibig sabihin, tinext din ni Nadine ang ibang press?

Kailan lang kami nagkaroon ng number ni Nadine, pero hindi kami textmate at mas nauna pa kaming nagkaroon ng number ni Jennica. Dahil sa nasulat, cold na sina Isabel at Jennica kay Nadine, as in, halos hindi na nila pansinin. Hindi lang kami sure kung pati si Glaiza de Castro na kagrupo nila ay dini-dedma rin si Nadine.

Ang nakarating nga sa amin, pati ang pagti-text ni JC Tiuseco kay Jennica, si Nadine pa rin ang pinaghihinalaan na sa ibang tao namin nalaman.

Nag-deny si Wesley na sumunod siya sa Boracay at sabi ni JC, once lang siya nag-text kay Jennica, pero dahil ginagawang big deal ito nina Isabel at Jennica, gusto naming iba ang paniwalaan. Hindi kaya maganda kung mag-usap-usap sila bago mag-akusahan?

* * *

Para matigil na ang pagda-drama niya sa Net, inalis na ni Iwa Moto ang Face­book account niya. Nag-iinarte raw siya sa facebook at kung anu-ano ang isinusulat.

Gaya na lang nang magka-dysmenorrhea, sa sobrang sakit nang nara­ramdaman, isinulat sa kanyang status na “I wanna die” na ikinabahala ng kanyang mga kaibigan. Minsan, inilagay niyang she’s married at ginamit ang apel­yado ng boyfriend niyang si Mikey Ablan. Nang usisain namin, ang sabi, normal lang sa may relasyon na ang tawag sa isa’t isa ay ‘dyowa,’ pero wala pa siyang balak mag-asawa at hindi rin sila live-in.

Wala pang regular show sa GMA-7 si Iwa, kaya may time siyang mag-workshop under direk Joel Lamangan para sa gaga­wing indie film na Rock and Roll, isang horror movie to be directed by Soxy Topacio. Kasama niya rito ang co-GMA Artist Center talents na sina Mark Her­ras, Ryza Cenon, Dominic Roco at IC Mendoza.

* * *

Interesado pa rin ang TV5 sa dating beauty queen na si Janina San Miguel kahit maraming kapalpakan ang ginagawa nito tuwing maggi-guest sa mga shows ng network. Klasik ‘yung late na pagdating nito sa Camsur para sa taping ng Lipgloss dahil naglagare na hindi alam ng manager niyang si Manny Valera.

‘Katuwa rin ang tsika sa isang taping na naringgan itong nag-dialogue na hindi siya magti-take two, hindi magpapalit ng damit lalo na kung pink. Hindi nila alam na narinig siya ng isang bossing ng network at pinagpalit ng kulay pink na damit para sa take two shoot niya.

Natsika sa amin na miniting si Janina at ang manager nitong si Manny ni Mr. Tony Boy Cojuangco para sa isang show na tatampukan ni Janina. Hindi kami sure kung ito ‘yung show na My Family, My Pamily o iba pa. Sa yate ni Mr. Cojuangco naganap ang meeting at ‘dun inilatag ang gagawing show ng dalaga.

* * *

Matitinding eksena ang mapapanood this Monday sa Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang dahil makakatakas na sa wakas sa kamay ni Rado (Paolo Contis) sina Proserfina (Marian Rivera) at Homer (Dingdong Dantes).

Mahuhuli ng mga pulis si Rado, pero mababaril muna niya si Homer na kahit may sugat ay hahabulin pa rin si Rado sakay ng motor. Mag-aagaw buhay si Homer.

vuukle comment

ANG BABAENG HINUGOT SA AKING TADYANG

ARTIST CENTER

BORACAY

DINGDONG DANTES

DOMINIC ROCO

JENNICA

LANG

NADINE

RADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with