^

PSN Showbiz

Lea bilib sa boses ni Jed

- Veronica R. Samio -

Maganda na ang boses ni Lea Salonga na nagbibigay ng karangalan hindi lamang sa kanya kundi maging sa bansang pinanggalingan niya, pero maski na siya ay humahanga sa boses ng isang kapwa niya Pilipino, si Jed Madela, na pinahanga rin ang buong mundo nang sumali ito nung 2005 sa World Championship of the Performing Arts (WCOPA) at napanalunan ang lahat ng major awards, anim na gold sa anim na kategoryang sinalihan niya sa World Star Trophy at ang pinaka-ultimate title na Grand Champion Performer of the World, ang kauna-unahang Pilipino na nanalo nito sa mahigit na 3,000 kalahok mula sa 53 bansa na sumali.

 Ayon mismo kay Jed nang makausap ko siya makatapos na siya ay manalo, maraming Pilipino ang sumasali sa WCOPA at nakapag-uuwi rin ng mga medalya at tropeo pero ang mga ito ay nakuha lamang nila dahil nakapasa sila sa screening na ibinibigay para makasama sa pakontes pero, hindi dahil nanalo na sila sa contest proper. Sa katunayan, iilan lamang silang totoong nakasali rito. At minsan ay umuupo na si Jed bilang hurado ng WCOPA.

Limang album na ang nagagawa ni Jed simula nang manalo siya. Pinakauna ang I’ll Be Around na kung saan kinuha ang sumikat sa radyo na awitin niyang Let Me Love You (From the Bottom of My Heart). Sumunod dito ang Songs Rediscovered na isa nang certified double platinum at ang ikatlo, ang Only Human na naging gold. Meron din siyang Christmas album, The Voice of Christmas na inilabas nung 2008 at naging gold isang buwan lamang makaraang ilabas ito.

Ang panglima niyang album, ang Songs Rediscovered 2: The Ultimate OPM Playlist ay binubuo ng mga lokal na awiting isinulat sa Ingles. Si Jed mismo ang pumili ng mga awiting nasa album, mga awitin ito na kinalakihan niya at may kahulugan sa buhay niya. Itinuturing niyang pinakamaganda ito sa limang album na ginawa pero, nakaramdam siya ng pressure habang ginagawa niya dahil aniya ay “Andito pa yung mga kumanta ng songs.”

Labing anim lahat ng awitin na nakapaloob sa album.

Sa ngayon, bahagi ng programang ASAP ng ABS-CBN si Jed at gumagawa ng mga sell out concerts dito sa Pilipinas at maging sa labas ng bansa.

* * *

Sa mga susunod na tatlong araw ng All About Eve ay inuwi na ni Frederico (Richard Gomez) si Ericka (Sunshine Dizon) sa bahay nila. Welcome naman ito kay Nicole (Iza Calzado) pero imbyerna si Alma (Eula Valdez).

Samantala, natatandaan pa rin ni Warren (Alfred Vargas) si Ericka nung bata pa sila at ‘di maitatatwang humahanga ito sa dalaga.

* * *

Hindi pa ako nakaka-recover sa nakatutuwang episode ng Sharon a few weeks back nang maging bisita ang ilang kagandahang aakalain mong mga babae pero, lalaki pala pero heto at tatangkain na naman ni Mega ngayong Linggo na pumili ng papalit sa kanya bilang then next concert queen, dancing king, singing loveteam at diva.

Okay na makiloko sa kanya sina Pokwang, Cacai Bautista, Vice Ganda at Kitkat para sa mga nabanggit na titulo pero, pati ba naman ang seryosong si Richard Poon? Ito ang kailangan n’yong mapanood.

* * *

 Maging ang isang malaking kumpanya na tulad ng ABS CBN ay nagkakamali rin, tulad nang makaligtaang i-check at kumpirmahin ng writing and research pool ng Maalaala Mo Kaya ang kuwento na ipinadala ng isang letter sender at ginamit ng istasyon (Blusa episode starring Angel Locsin).

 Lahat ng mga kuwentong isinasadula sa MMK ay laging hango sa mga sulat na ipinapadala sa programa ng mga taong nais magbahagi ng kanilang mga naging karanasan sa buhay.

Magsisimula lamang ang produksyon ng isang napiling kuwento sa MMK matapos pirmahan ng kung sinumang letter sender ang isang waiver na nagpapatunay na ang kuwentong ipinadala niya ay totoo.     

Nang mapag-alaman ito ng MMK, agad nitong binalikan ang letter sender para ipaalam sa kanya ang isyu at para makumpirma na rin ang kanyang istorya. Pinanindigan ng letter sender na totoo ang kanyang salaysay.

Ngunit sa kabila nito, at matapos ang mga pag-uusap ng mga bumubuo ng programa, hindi itinatanggi ng MMK na meron din itong pagkukulang. Dahil dito, nais mag-apologize ng MMK sa oversight na ito.

vuukle comment

ALFRED VARGAS

ALL ABOUT EVE

ANGEL LOCSIN

BE AROUND

PERO

PILIPINO

SONGS REDISCOVERED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with