^

PSN Showbiz

Pasa, sugat sa mukha ni Rihanna inilabas

-

LOS ANGELES — Isang litrato na sinasabing kuha ni Rihanna na may mga pasa, sugat, at pamamaga sa mukha na kagagawan diumano ng boyfriend niyang si Chris Brown, ang nai-post noong Huwebes sa celebrity website na TMZ.

 Ang close up na kuha ng singer ay may maga sa mga kilay, marka sa mga pisngi’t sa labi. Hindi sinabi ng TMZ kung paano nakuha ang litrato at kung sino ang photographer.

Ilang oras matapos mailabas ang larawan ni Rihanna, naglunsad ang Los Angeles Police Depart­ment (LAPD) ng internal investigation at humingi ng tulong sa publiko para hanapin ang tao na nagpalabas noon sa website ng TMZ.

Ayon sa isang police news release, ang nasabing imahe ay may ‘mukha’ ng isang galing sa domestic violence investigation at ikina-classify ang paglabas nito na isang seryosong kaso ng misconduct na puwedeng magpatalsik sa pulis.

 Ayaw ikumpirma ni LAPD Officer Jason Lee ang nasabing litrato at hindi sila maglalabas ng ebidensiya ng babaeng nagsampa ng kaso kay Brown.

 Inaresto ang R&B singer at composer na si Brown noong Pebrero 8 matapos may magreklamo na isang babae sa mga awtoridad pero hindi inilabas sa publiko kung sino ang babae. May isa lang tao na pamilyar sa nangyari pero walang karapatang magsalita sa publiko at nag-request na huwag na siyang pangalanan ang nagkumpirma na si Rihanna nga iyon. Ang tunay niyang pangalan ay Robyn Fenty.

Hinihiling pa ng mga prosecutors sa pulisya na magbigay pa ng impormasyon para makapag­desisyon sila sa isasampang kaso kay Brown. Ayon sa pulisya, maaaring harapin ng 19-year-old singer ang domestic violence charges kung sa tingin ng mga abogado ay nararapat ito para sa kanya.

 Wala pang inilalabas na pahayag ang kampo ni Rihanna na magiging 21 years old na sa Friday.

Si Brown naman ay humingi ng tawad noong Linggo pero hindi binanggit ang pangalan ng kasintahan sa pahayag niya na ipinadaan sa publicist. (AP)

vuukle comment

AYAW

AYON

CHRIS BROWN

HINIHILING

JASON LEE

LOS ANGELES POLICE DEPART

RIHANNA

ROBYN FENTY

SI BROWN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with