^

PSN Showbiz

Valerie madalas makitang kasama ng congressman???

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Meron bang something between Valerie Con­cepcion at isang bagets na Congressman from South? Ang dami kasing nagi-e mail at may nag-react sa feedback tungkol sa kanila na kesyo nakikita raw silang magkasama sa isang resort.

Hmmm, lately ko lang narinig ang issue ha.

May asawa ang sinasabi nilang congressman pero bagets pa.

* * *

Almost done deal na raw ang negotiation kay JC de Vera sa ABS-CBN. As in nakalatag na raw ang kontrata at gagawin niya sa Kapamilya Network.

Pero ang tanong ng mga fans, paano na raw ang mga nakapilang aktor na umaasang magkaka-tra­baho ngayong year of the ox sa Dos.

Marami naman daw may potential na Kapamilya aktor na ka-level ang hitsura ni JC. Bakit kailangan pa raw mag-import ng Kapuso.

* * *

Ay napanood na ba ninyo ang When I Met U? Me, I did, at isa sa napansin ko - pareho ang features ng mukha sina Iya Villania at Ynez Veneracion. Magkamukha sila sa paningin ko.

Yung hair nila, shape ng ilong at pati ang mukha. Mas bata lang nga si Iya.

Admitted naman si Ynez na nagpa-touched siya sa doktor. Hindi kaya si Iya talaga ang kinopya niya nang i-retouch ang face niya?

Well, puwede naman.

* * *

Engrande pala ang launching ng Totoy Bato ni Robin Padilla ng GMA 7 dahil todo ang activities sa launching nito bukas.

Mag-uumpisa ito sa launching sa unveiling ng billboard, susundan ng isang multi-sensory photo exhibit ng premyadong photographer na si Jun de Leon na may titulong Totoy Bato Ang Bagong Simula. Makikita sa photo exhibit na ito ang mabusisi at mahirap na training ni Robin bilang paghahanda para sa bago niyang primetime show kabilang na ang pag-akyat sa isa sa pinakamatataas na bundok sa Pilipinas, ang Mt. Pulag.

Magkakaroon ito ng mall tour.

At pagkatapos nito ay ang grand press launch kasama ang Champion ng Bayan na si Manny Pacquiao at ang Songbird na si Regine Velasquez.

Sa February 23 ito magsisimulang mapanood. (SVA)

vuukle comment

IYA

IYA VILLANIA

KAPAMILYA

MT. PULAG

REGINE VELASQUEZ

ROBIN PADILLA

SA FEBRUARY

TOTOY BATO

TOTOY BATO ANG BAGONG SIMULA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with