^

PSN Showbiz

Isabel ayaw makipag-usap

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -

Nag-maternity leave ang isang TV showbiz reporter sa pang-umagang programa sa telebisyon at inaakalang babalik na siya last December. Kaso habang hindi pala pumapasok ay sinisiraan ito ng dalawang kasamahang TV news reporter na nagbabalita rin ng mga kaganapan sa showbiz. Mabait ang TV showbiz reporter at hindi na gumanti sa mga paninira tungkol sa kanya na salat sa katotohanan. Katwiran ay ipi­napasa-Diyos na lang niya ito. Kaso hindi na siya pina­balik ng network na pinagtatrabahuhan kung saan li­mang taon din siyang naglingkod.

Naka-focus na lang muna siya sa pag-aalaga ng kanyang baby at dahil may talento naman ay nakakakuha siya ng project sa iba’t ibang kompanya para sa PR job.

Ganyan naman talaga sa showbiz uso ang siraan dahil pinaiiral ang inggit sa kapwa. Ang hindi lang maganda ay kapag nakinig ang mga bossing sa progra­mang kinabibilangan nito laluna kapag magaling manira ang mga kasamahan pa naman sa trabaho. Sa showbiz mabibilang sa daliri ang tapat na pakikisama kahit kasama mo pa sa trabaho.

Nabalewala ang pinaghirapan ng TV showbiz reporter na siyang namahala sa pang-umagang showbiz segment dahil hinarang ang muli nitong pagbabalik.

* * *

Dinedma ni Isabell Oli ang piling press people na dumalaw sa set ng Gagambino. Ni hindi siya lumapit sa mga ito kahit mag-“hi” and “hello” lang. Hindi kaya siya umiiwas na matanong tungkol sa kanilang hiwalayan ni Paolo Contis? Naroon lang ito sa isang tabi. Lahat ng cast ay masayang nakipagtsikahan sa kinaroroonan ng press.

May pasabi ito na kung kakausapin siya ay tungkol lang sa Gagambino.

Dahil seven sequences pa ang kukunan sa aktres bago niya mainterbyu ay nagpasyang magpaalam na lang ang press people dahil gabi na.

Nang magpaalam sila ay kumakaway ang cast sa mga dumalaw maliban kay Isabel.

* * *

Inamin ni Jennica Garcia na darating ang araw na mabubuwag din ang pagiging magka-loveteam nila ng nobyong si Mart Escudero. Normal lang na magkatampuhan sila paminsan-minsan kung saan nag-uugat ito sa selos. Pero ayon kay Jen ay napakapaseryoso ng boyfriend. First boyfriend niya si Mart at siya naman ang kanyang first serious girlfriend nito.

“Talo pa nga ni Mart ang aking tatay dahil lagi siyang nagte-text sa akin. Tinatanong kung asan ako, kumain na ba ako at kung okey ba ako?” anang young actress.

* * *

Uso ngayon ang mga Valentine’s concert at isa na rito ang Fall Out Boy Live in Manila ngayong February 13 sa Araneta Coliseum at 8PM.

Binubuo ito ng lead vocalist na si Patrick Stump, guitarist Joe Trohman, drummer Andy Hurley at bassist Pete Wenz.

Tickets are available sa Ticketnet 911-5555.

vuukle comment

ANDY HURLEY

ARANETA COLISEUM

FALL OUT BOY LIVE

GAGAMBINO

ISABELL OLI

JENNICA GARCIA

JOE TROHMAN

LANG

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with