^

PSN Showbiz

Sexy actor gusto nang makawala sa baklang possessive

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -

Totoo nga ang kasabihan na laging nasa huli ang pagsisisi. Ganito ang nangyari sa sikat na young sexy actor - nang maging madalang na ang movie offer ay nagpa-book siya sa isang agent upang ihanap ng gay benefactor.

Hindi lang mayaman kundi superyaman ang nakuha niyang gay benefactor at pumayag siyang maigarahe nito. Lahat ng luho ay ibinigay sa aktor at Expedition ang gamit niyang sasakyan kuntodo alahas at puro mamahalin ang gamit.

Dalawang taon na ang kanilang relasyon at gusto nang makawala ng aktor sa baklang karelasyon.

Ang dahilan: sakal na sakal ito sa kanilang pagsasama dahil super possessive ang baklang mayaman. Kapag lumalakad pala ang actor ay laging may kasamang bodyguard kung saan lahat ng kilos ay dapat alam ng rich benefactor at ‘di siya makapagsinungaling dahil sa higpit ng bantay.

Ang ending, naging problema nito ay kung paano makipaghiwalay sa richie gay. Kung anu-ano na ang pumapasok sa isip nito at natatakot na baka ipapatay siya sakaling makipaghiwalay. Sobra kasi ang pagmamahal sa kanya ng gay benefactor.

Tama nga ang kasabihan na para siyang ibon na nakakulong sa hawla na labis na niyang pinagsisihan dahil hindi na siya maligaya sa kanyang buhay kahit nabubuhay sa luho.

* * *

 Puring-puri ni Direk Rory Quintos si Angel Locsin dahil isa ito sa napaka-propesyonal na aktres na nakatrabaho niya. Bukas ang loob nito para matuto ayon sa direktor at intelihente pa bukod sa napaka-talented.

“Talagang nagbibigay siya ng lahat ng makakaya niya. I’m very excited to work with Angel dahil ito ang una niyang pelikula sa Star Cinema,” ani Rory.

Tinanong din namin si Direk kung saan siya nahirapan habang nagsusyuting ng Love Me Again.

“It’s hard to work with animals dahil hindi mo kontrolado ang galaw ng mga hayop. Dun naman sa Australia ay walang technical equipment na available kaya lahat ay kumikilos kahit mga artista kung saan naging part sila ng crew. Mabuti na lang, maraming Pinoy dun kaya nang malamang andun kami ay dina­dalhan nila kami ng pagkain,” sey pa ni Direk.

Sa pelikulang ito ay nag-train na mabuti sina Angel at Piolo ng horseback riding under Olympian Vic Barba.

Palabas na ang Love Me Again in over 150 theaters sa January 15, 2009.

* * *

Maganda ang trailer ng Hilot na prodyus ng Emerge Entertainment Produc­tions ng magkapatid na sina Melissa Mendez at Glenda Garcia.

Napapanahon ang pelikula dahil sa mga problema ng kabataan ngayon tungkol sa unwanted pregnancy o pre-marital sex. Itinataguyod din ito ng Department of Education kaya asahang mga estudyante ang dadagsa sa mga sinehan na palabas na ngayong Enero 21 pero may premiere night sa Enero 20 sa SM Megamall Cinema 10 ganap na 7 ng gabi.

Tatalakayin sa pelikula ang isyu tungkol sa abortion, pero hindi tipong nangangaral bagkus ilalarawan kung ano ang epekto ng pagpapa-abort laluna sa mga kabataan. Si Melissa ang gaganap sa papel ng abortionist.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

DAHIL

DEPARTMENT OF EDUCATION

DIREK

DIREK RORY QUINTOS

EMERGE ENTERTAINMENT PRODUC

ENERO

GLENDA GARCIA

LOVE ME AGAIN

MEGAMALL CINEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with