^

PSN Showbiz

Lea nai-excite kay Aga

-

Malakas ang dating ng Lipad, theme song ng Dayo sa Mundo ng Elemantalia at na-LSS o Last Song Syndrome kami dahil tumatatak sa isip namin ang song. Malaki rin ang laban ng composition nina Jessie Lasaten at Temi Abad, Jr. sa best theme song category sa Metro Manila Film Festival (MMFF) sa awards night sa December 27.

Si Lea Salonga ang kumanta ng theme song na kaya tinanggap dahil maganda ang pelikula at ginastusan ng more or less sa P70 million ng Cutting Edge Productions. Kombinasyon ng 2D at 3D ang ginamit na animation at sa Thailand gagawin ang mixing.

Na-announce ni direk Robert Quinlan na posible itong maipalabas sa Brazil, Argentina at Mexico at inimbitahang ipalabas sa Switzerland at Australia. Chance nang maipakita sa ibang bansa ang first full-length Filipino animated movie para malamang kaya na ng ’Pinas na gumawa ng ganitong klase ng pelikula.

Ni-record ni Lea ang Lipad with FILharmoniKA at conducted by Gerard Salonga. Ang child actors na sina Nash Aguas at Katrina Legaspi ang nag-boses sa karakter nina Bubuy at Ana Manananggal. 

Samantala, excited na si Lea na magbalik-pelikula at kahit hindi binabanggit, obvious na sa Star Cinema siya gagawa ng pelikula at si Aga Muhlach ang makaka-pareha. Nagti-text daw sila ng actor at na-assure siyang magandang project ang kanilang gagawin, very different from Sana Maulit Muli na una nilang ginawa.

Si Aga pa rin ba ang pinakaguwapong Filipino actor para sa kanya?

Sagot nito: “He’s up there definitely. Hindi lang siya magandang lalaki, maganda pa ang loob. He’s also good in business, shrewd businessman, astute, good in money, not the pay check kind of an actor. He knows how to invest, he’s genuinely a good guy and a genuinely nice person.”

* * *

Kakaibang album launching ang dinaluhan namin last Thursday dahil sa Chapel of the Eucharistic Lord sa SM Megamall ginanap. Sabagay, right venue iyon dahil ang self-titled album ng The Priests at released ng SonyBMG ang ni-launched.

Ang The Priests ay binubuo ng Irish priests na sina Fathers Eugene O’ Hagan, Martin O’ Hagan at David Delargy. Produced ni Mike Hedges ang album na hindi lang inspiring music ang hatid, but also a celebration of faith, spirituality, tolerance, love, and the power of the human spirit. Kasama sa album ang mga classic na Ave Maria at Pie Jesu.

Wala ang The Priests sa launching ng album, ang Six Priests in the City, grupo ng Pinoy singing priests at The Philippine Madrigal Singers ang kumanta. Ang Six Priests in the City ay sina Fathers Allan Samonte, Eric Santos, Joel Jason, Rey Pascual, Steve Zabala at James Nitollana na sa galing kumanta, ’di kami magugulat kung bigyan din sila ng album ng SonyBMG.

* * *

Inamin ni Sen. Manny Villar na hindi siya natuwa nang maalis siyang senate president, pero hindi na siya nagulat dahil matagal na raw ang attempt na palitan siya sa kanyang posisyon.

“I’m okey kahit jobless. Two years nang plano ’yon at ngayon lang lumakas nang tumaas tayo sa rating. At least, marami akong oras ngayon na jobless ako, malaking bawas sa load ng trabaho at malaking bawas sa stress. Akala lang simple ang naging trabaho ko, pero sa rami nang nag-aaway, ang laki ng pressure,” wika ni Sen. Villar.

Tiniyak ni Sen. Villar na kapag nagkaroon ng election sa 2010, kakandidato siyang presidente at hinihintay lang niya ang bendisyon ng Nacionalista Party. Manalo at matalo, tuloy ang pagtulong niya sa OFWs at nagbigay pa nga siya ng welcome party sa mga bumalik at maltreated OFWs at namigay din siya ng regalo at nagpa-raffle pa.

Birthday ni Sen. Villar sa December 13, 59 years old na siya at ang birthday at Christmas wish niya sa bansa ay ang makaahon ang bansa sa kahirapan.

o0o

Sa Kakasa Ka Ba sa Grade 5? ng GMA 7 muling susubok manalo ng P1 million ang fashionista na doktorang si Hayacharis Paquiz. Mas naghanda si doktora ngayon at naniniwalang masasagot ang 10 questions na itatanong ng host na si Janno Gibbs sa tulong ng limang kaklase.       (NITZ MIRALLES)

vuukle comment

AGA MUHLACH

ANA MANANANGGAL

ANG SIX PRIESTS

ANG THE PRIESTS

AVE MARIA

CHAPEL OF THE EUCHARISTIC LORD

CUTTING EDGE PRODUCTIONS

DAVID DELARGY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with