^

PSN Showbiz

Kris hanggang Pasko lang sa The Buzz

- Veronica R. Samio -

Hindi na nagulat ang mga TV viewers nang ianunsyo ang pagbabalik ni Kris Aquino sa The Buzz. Mas naka­kagulat na eight weeks lamang ang napagkasun­duan nila ng ABS-CBN na babalikan niya ang trabaho niya sa nasabing programa.

Hanggang Pasko lamang siya, pagkatapos nito’y aalis siyang muli para mag-concentrate bilang wife ni James Yap at mother to Joshua and Baby James na nang makita namin sa studio ay talaga namang ayaw humiwalay sa kanilang ina. Kaya kung napansin n’yo, karga-karga lagi si Baby James ni Kris sa show niya o kaya’y kinukuha ito sa kanya ng co-host na si Boy Abunda. 

Inamin ni Kris na mas priority niya ang kanyang mag-aama ngayon. Pangalawa lamang ang trabaho niya. Makasisira sa schedule niya bilang wife and mother kung tatanggap pa siya ng karagdagang trabaho bukod pa sa Deal Or No Deal at Boy and Kris.

“Marami na akong tinanggihan. Ayaw ni James ng taping. Wala rin akong plans for a movie to keep peace, love and harmony in my family.

“Hindi ako perfect wife. Hindi ako pwedeng bumangon ng 5:30 in the morning to cook for James, may gumagawa nito para sa akin, but I can cook lunch and dinner for the family.

“Kung tutuusin, my hands are full with my other shows. Not to mention the fact na being wife and mother is a full-time job. Also, I have my cooking to attend to, and my herbs garden, although I have a gardener who helps with this,” anang host ng The Buzz na talagang nag-iiba kapag naroro’n si Kris.

In fairness, hindi agad inoohan ni Kris ang offer ng ABS-CBN for The Buzz. Bukod sa kaabalahan niya sa bahay, andun pa rin sa show si Jobert Sucaldito na nakatampuhan din niya.

“Sabi ko I’d think about it. Isang gabi lang, the next day, I called up Tita Cory Vidanes (isa sa bossing ng Dos) to say okay na ako. Yung mga ibang negative things, I offered to God para sa mom ko,” diretsong sabi ni Kris.

* * *

Nagugulat naman si Mariel Rodriguez na kung hindi man sila pinag-aaway ni Valerie Concepcion ay iniintriga naman sila.

“Hindi ko talaga alam kung saan nanggagaling ang balita. Eh magkasama kami everyday sa Wowowee, okay naman kami. In fact, after the show (Entertainment Live), hahabol ako sa birthday party ng anak niya,” sabi ni Mariel.

Inamin ni Mariel na tahimik ang lovelife niya with Zanjoe Marudo. Sabi nito, “But I’m happy. We’d like to keep it that way kasi matagal din ang process bago naging kami.”

Tinanong ang opinyon niya sa pagpapa-sexy ng boyfriend sa mga palabas nito.

“Okay lang sa akin, maganda naman ang body niya. At bago pa naging kami, sexy na siya dahil nagmo-model na siya ng underwear,” paliwanag nito.

May bagong segment ang Entertainment Live na kung saan ay nagbibigay silang mga hosts (Luis Manzano, Bianca Gonzales at Toni Gonzaga) ng kanilang opinyon tungkol sa ilang maiinit na isyu sa showbiz, ito ang OMG.

vuukle comment

BABY JAMES

BIANCA GONZALES

BOY ABUNDA

BOY AND KRIS

BUT I

DEAL OR NO DEAL

ENTERTAINMENT LIVE

HANGGANG PASKO

INAMIN

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with