^

PSN Showbiz

Sarah galit sa mga manloloko

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -

Na-realize ng dating popular na aktor na madalang pa sa patak ng ulan ang dumarating sa kanyang mga proyekto kaya nang maaprubahan ang immigrant visa nito ay nagpasya siyang manirahan na lang sa isang lugar sa California.

Nagkaroon naman siya ng trabaho bilang tindero sa isang mall dun.

Marami pa ring Pinoy ang humahanga sa kanya kapag nakikita siya sa mall. Hindi naman siya nahihiya dahil ang katwiran ay mas mabuti naman ang kalagayan niya doon kaysa dito na matamlay ang estado ng pelikulang lokal.

Naroon ang magulang ng aktor at mga anak sa hiniwalayang asawa na balitang may iba na ring pamilya sa Tate.

* * *

Tinanong namin si Sarah Geronimo kung ano ang reaksyon dahil napili siyang isa sa pinakamagandang Pinay na aktres na isinagawa ng isang survey.

Anang aktres-singer: ‘‘Nakakatuwa naman. Maraming magre-react diyan. Pero flattered ako at salamat sa mga bumoto sa akin.’’

Tinanong din namin si Sarah kung saang bagay siya magagalit. ‘‘Kapag niloko ako. Galit ako sa mga manlolokong tao,’’ dagdag pa nito.

Magko-concentrate muna sa concert si Sarah bago gumawa uli ng pelikula. Naghahanda na ito sa kanyang Next One concert sa Araneta Coliseum sa November 8 sa direksyon ni Johnny Manahan. May regalo ang pop princess sa kanyang mga fans dahil sa album na iri-release nito, ang Just Me.

Isa si Sarah sa mga kabataang artista na hindi nilamon ng maling sistema ng showbiz dahil sa kabila ng malaking tagumpay na tinatamasa nito ay hindi lumaki ang kanyang ulo.

* * *

Sa presscon ng Christmas album ni Claire dela Fuente na pinamagatang Claire dela Fuente the Christmas Album ay may tumukso sa kanya tungkol kay Dr. Hayden Kho na isa sa guests nito sa concert sa Music Museum come October 17 na pinamagatang Timeless.

Hindi maiwasang i-link siya kay Hayden dahil balitang isang doktor din ang manliligaw nito ngayon.

‘‘Huwag akong intrigahin. Ayaw kong pumangit huh! Ang haba-haba naman ng buhok ko. Pero malaking asset si Hayden sa concert gayundin ang iba ko pang guests,’’ anang singer.

vuukle comment

ARANETA COLISEUM

DR. HAYDEN KHO

FUENTE THE CHRISTMAS ALBUM

HAYDEN

JOHNNY MANAHAN

JUST ME

MUSIC MUSEUM

NEXT ONE

PERO

SARAH GERONIMO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with