^

PSN Showbiz

Iba kasi ang mahal. Aktor hindi handa sa babaeng nabuntis

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Magkikita kami ngayon ni MMDA Chair Bayani Fernando. Marami akong itatanong kay Papa Bayani, lalo na tung­kol sa pagiging contestant niya sa Celebrity Duets 2.

Kakaiba si Papa BF dahil confident na confident siya sa pagkanta. Napano­od ko ang duet nila ni Janno Gibbs noong Sabado at talagang nakipag­saba­yan si Chairman huh!

Si Papa BF nga ang hinuhulaan na mana­nalo sa Celebrity Duets 2 dahil marami ang sumu­suporta sa kanya. Isipin n’yo na lang ang resulta ng mga text votes kung bumobo­to ang lahat ng residente ng Marikina City. Mahal na mahal ng mga taga-Marikina si Papa BF at ang kanyang misis na si Mayor Maridez Fernandez.

Susubukan ko na harbatan si Papa BF sa aming pagtatagpo. Lalambingin ko siya na big­yan niya ako ng cellphone para mai­boto ko siya ’no! Puwede na sa akin ang limang brand new cellphones para mag­hapon at magdamag ako na magte-text.

Para kay Papa BF, mag-aaral ako na mag-text alang-alang sa kanyang tagum­pay sa Celebrity Duets!

* * *

Hindi pa natsutsugi si Carlene Aguilar sa show. Talagang kina-career ni Carlene ang pagkanta at parang nai-imagine ko na ibinoboto niya ang sarili para magtagal pa ang kanyang pananatili sa show.  

Desidido si Carlene na umabot sa grand finals ng Celebrity Duets. Ganyan ang ugali ni Carlene, ginagawa niya ang lahat at pinaghihirapan ang isang bagay na kanyang gustung-gusto na makuha.

* * *

Dalawang buwan na lang, magiging tatay na ang aktor na inililihim ang pagbubuntis ng kanyang “girlfriend.”

Magkahalong emosyon ang nararamdaman ng aktor dahil aksidente at hindi planado ang biglang pagbubuntis ng girl.

Excited ang aktor sa pagdating ng baby pero worried siya. Hindi ready ang aktor na pakasalan at pakisamahan ang girl dahil iba ang itinitibok ng kanyang puso. Hindi ko na sasabihin ang tunay na pagkatao ng aktor. Basta, iba ang kanyang minamahal!

* * *

Ikinuwento sa akin ni Rufa Mae Quinto na bibitbitin niya sa red carpet pre­miere ng ITALY ang kanyang boyfriend na foreigner.

Hong Kong-based ang bagong inspirasyon ni Rufa Mae. Malayo sila sa isa’t isa pero halos ling­gu-linggo ang pagpunta ni Rufa Mae sa HK para i-meet ang mhin.

Ang tanong, matatagalan ba nila ang long-dis­tance relationship? Busy si Rufa Mae. Hindi lahat ng oras eh libre siya na lumipad sa HK. Imposibleng hin­di dumating ang araw na mapagod siya sa madalas na pagbibiyahe?

* * *

Nag-umpisa na noong Biyernes ang taping ng La Lola. Maganda ang role ni Rhian Ramos sa bagong primetime series ng Kapuso network.

Nag-promise si Rhian na gagawin ang lahat para hindi siya mapahiya sa tiwala na ibinigay sa kanya ng GMA 7.

Pinanood na nga ni Rhian ang Argentinian ver­sion ng La Lola, itsurang hindi niya naiintindi­han ang dialogue ng mga artista. Number one sa South America ang La Lola kaya naintriga si Rhian na pano­orin ang original version.

* * *

Watch n’yo mamaya ang pilot episode ng Survivor Philippines ni Paolo Bediones.

Ang sipag-sipag ni Paolo na mag-promote ng kanyang bagong reality TV show. Inikot niya ang lahat ng programa ng GMA 7 para maging aware ang madlang-people na mapapanood na ang Survivor Philippines, pagkatapos ng Ako Si Kim Sam Soon.

vuukle comment

AKO SI KIM SAM SOON

CARLENE

CELEBRITY DUETS

KANYANG

LA LOLA

RHIAN

RUFA MAE

SHY

SURVIVOR PHILIPPINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with