^

PSN Showbiz

Pagpo-Produce Ng Tatay Ni Jolina Naudlot

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -

Tinanong si Dennis Trillo kung nagpakita ba ito ng puwet sa latest movie ng GMA Films, ITALY.

Ayaw sagutin nang tuwiran ng aktor ang tanong pero sinabing sorpresa ito dahil balitang nakitaan ito ng puwet habang nagbibihis sa isang lugar sa Rome.

“Wala kasing stand by area dun kaya napilitan akong magbihis sa tabi-tabi lang,” aniya.

Habang nasa Italy, nahirapan sa pakikipag-communicate ang guwapong aktor pero malaki naman ang natutunan niya habang ginagawa ang pelikula dahil habang nasa cruise ship ay nagtutulungan sila ng mga kasamahang artista at staff at walang pasaway o kaya’y pa-primadonna ang dating.

* * *

May kissing scene sina Rhian Ramos at Mark Herras sa said movie pero dahil sa sobrang lamig ay minadali ng dalawa ang kissing scene. Di naman nila naramdaman ang halik dahil ang naramdaman nila ay lamig ng panahon.

First time ni Rhian na mahalikan sa big screen pero hindi na siya naiilang kay Mark dahil nagkaroon na sila ng kissing scene sa My Only Love.

* * *

Hindi pala itinuloy ng daddy ni Jolens ang pagiging co-producer ng pelikula. Tinanong ang actress kung ang pag-back-out ng daddy niya ay dahil kay Gabby Concepcion.

“Walang koneksyon si Gabby sa pag-backed-out ni Daddy bilang isa sa prodyuser,” sey nito.

Impressed ang aktres sa ganda ng Venice at kung babalik siya dun ay baka kasama niya si Bebong Muñoz. Baka dito pa sila mag-honeymoon ng kanyang nobyo, di ba?

Isa sa na-enjoy ni Jolens sa cruise ship ay ang masasarap na pagkain.

“Di nauubusan ng pagkain. Punta ka lang sa buffet table, andun na ang lahat ng klase ng pagkain,” dagdag pa ng aktres.

Gagampanan ni Jolens ang papel ni Des Pinlac na nagtatrabaho sa luxury cruise bilang chambermaid.

Mapapanood ang pelikula sa Agosto 6 sa direksiyon ni Mark Reyes.

* * *

Napag-usapan namin ang tungkol sa sikat na seksing aktres. Parang di siya  nauubusan ng lalaki. Kapag nakipag-break ito sa nobyo ay may kapalit agad na bago.

Ayon sa aking source ay mahilig na ito sa lalaki kahit nung siya’y nasa high school pa. Bumibilang na rin ito ng nobyo kahit noong bata pa siya.

Naging apple of the eye siya ng mayayamang lalaki mula sa iba’t ibang sector nang pumasok sa showbiz.

vuukle comment

BEBONG MU

DENNIS TRILLO

DES PINLAC

GABBY CONCEPCION

JOLENS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with