^

PSN Showbiz

Cesar at Sunshine nag-areglo na!

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Natuwa ako nang makita kong magkasamang nanood ng premiere night ng Indiana Jones  starring Harrison Ford sina Cesar Montano at Sunshine Cruz. Aba at magka-holding hands pa sila, isang indikasyon na okay na sila. Mabuti naman at ginawan nila ng paraan na maareglo ang kanilang marriage.

I’m sure parehong may natutunan sa kanilang problema ang mag-asawa.

* * *

 Napakaganda ng naging kaganapan sa  latest unveiling na naganap sa Eastwood Walk of Fame. Pitong artista ang nadagdag sa humahabang talaan ng mga honorees, sina Eddie Mesa, Rosemarie Gil, Oscar Obligacion, Linda Estrella, Sylvia La Torre at ang mga namayapa nang sina Rudy Concepcion at Rosario Moreno.

 Very touching yung ginawang pag-iyak ni Linda Estrella habang lumalakad patungo sa area na kung saan ia-unveil yung mga stars niya. Paano kasi, pinatugtog yung Prinsesita, isang theme song ng isa niyang movie habang naglalakad siya. Talagang pinaghirapan kong hanapin ang nasabing awitin para lamang magamit sa nasabing affair at hindi nasayang ang aking paghahanap.

Proud na proud naman ang mag-asawang Eddie at Rosemarie. Feel na feel nila yung naramdaman ng mga nauna sa kanila na pinarangalan sa Walk of Fame.

 Si  Oscar Obligacion naman, hindi ko kinakitaan ng lungkot dahil naka-wheel chair. Panay ang pagpapatawa nito habang patungo sa area  ng unveiling. Present din ang buo niyang pamilya.

* * *

 Nagbago na yatang talaga si Snooky Serna.                         

 Agad itong nag-report sa taping ng Kaputol ng Isang Awit kahit bagong galing siya sa hospital na balitang nakunan na hanggang ngayon naman ay ayaw niyang aminin. Katuwiran niya ay baka makarinig siya ng mga salita kapag nag-absent siya  kaya, ayun, may I report to work siya agad!

* * *

Sana hindi totoo na kapag nabigyan ng “A” rating ng Cinema Evaluation Board ang isang pelikula ay hindi na ito kikita. Sayang naman kasi dahil maganda raw ang movie ni Mega na Caregiver kahit medyo may kahabaan ito. Ipinagmamalaki  at sinasabi ni Sharon Cuneta na pinaka-maganda niyang movie ang Caregiver.

vuukle comment

CAREGIVER

LINDA ESTRELLA

OSCAR OBLIGACION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with