^

PSN Showbiz

Sexy moves ng Cover Boys

-

Malapit nang mapanood ang inaabanganag concert ng sambayanan — ang Cover Boys Uncovered at the Music museum. Matagal na ding panahon ang hinintay ng mga fans at supporters para sa pagkakataong ito. Kaya naman ngayon na ang kanilang “moment to shine” para ipakita ang natatagong talento sa pagkanta at pagsayaw.

Matapos ang tagumpay ng mga Hunks, ang Cover Boys naman ang boy band na talagang pinagkakaguluhan ng lahat! Isang taon na ang nakaraan nang mabuo at bawat linggo ay inaabangan at titilian ang kanilang mga lively at nakakakilig na performance at special segment sa ASAP ’08.

Sa kanilang matitikas na katawan, machong kaguwapuhan at iba’t ibang talento, maghanda na para sa isang exciting na gabi na hindi niyo malilimutan!

Upang makasama sa very elite na grupong ito, only the hottest, hunkiest and most in demand male artists ng industriya ang napili. Bawat isa sa mga Cover Boys ay very successful sa kanilang individual careers, napakaraming mga product endorsements, TV guestings at uupcoming shows. Sila rin ang most coveted leading men sa industriya — sa telebisyon man o sa pelikula!

Kilala bilang bagong action prince ng mga teleserye, dadalhin kayo ni Jake Cuenca sa isang nakakapigil-hiningang performance sa kanyang malambing na pagharana. Nakasama sa fantaseryeng Lastikman, ngayon ay pinapakita ang kanyang galing sa aksyon sa seryeng Palos.

Isang ex-PBB celebrity  housemate, ang swoon-worth hunk Zanjoe Marudo ang magpapakilig sa kanyang malalim na boses at malulupit na moves. Kasama si Zanjoe sa pinakabagong sitcom na Parekoy na malapit ng i-launch.

Matagal na ding pinangarap ni Rafael Rosell na makasama sa isang banda kaya naman laking tuwa niya nang mapili bilang Cover Boy. Kilala bilang sweet crooner, napanood si Rafael sa Rounin, Prinsesa ng Banyera at sa upcoming horror-serye na Maligno.

vuukle comment

COVER BOY

COVER BOYS

COVER BOYS UNCOVERED

ISANG

JAKE CUENCA

KILALA

MATAGAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with