^

PSN Showbiz

Salamat sa mga Bulakeño…

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Bagaman at hindi ako isang Bulakeño, malaki ang pasasalamat ko sa mga taga-Bulacan dahil kinikilala nila ang mga naiambag ko sa industriya ng local showbiz.

Nakakataba ng puso na meron din palang nakakapansin sa mga ginagawa ko sa industriya. Bilang patunay, bibigyan nila ako ng isang lifetime achievement award.

Bago ito ay humingi sila ng permiso sa akin para makapaglagay ng Walk of Fame sa kanilang lalawigan pero puro mga taga-Bulacan lamang ang pararangalan dito.

* * *

Di lamang mga Pinoy dito sa ating bansa ang binibigyan ng parangal ng ating mga kababayan. Kamakailan lamang ay mga Pinoy naman sa Amerika ang kumilala sa mga nagawa ng mga Pinoy dito sa bansa.

Pinagkalooban ng Visionary Awards ang ilang mga atista natin na tulad nina Dolphy, Tito, Vic & Joey, Francis M.  at Richard Gutierrez na pumunta pa ng US para tanggapin ang kanilang mga parangal            .

Congratulations sa kanilang lahat.

BULACAN

FRANCIS M

PINOY

RICHARD GUTIERREZ

VISIONARY AWARDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with