^

PSN Showbiz

Mga taga-That’s may reunion

- Veronica R. Samio -

Sa  January 12, 2008, ipagdiriwang sa Walang Tulugan ni Kuya Germs ang ika-22nd anniversary ng That’s Entertainment, ang kauna-unahang reality/discovery show on television, na kung saan ay na-discover sina Lea Salonga, Billy Crawford, Piolo Pascual, Jean Garcia, Francis Magalona, Jestoni Alarcon, Ruffa Mae Quinto, Ara Mina, Keempee de Leon, Vina Morales, Niño Muhlach at marami pang iba.

Tulad ng mga nakaraang taon, baka hindi lamang isang episode ang ibigay ni Kuya Germs, host and mentor ng That’s Entertainment, para sa anibersaryo ng dati niyang programa na  inabot din ng 10 taon sa ere.

Ipinaaabot nga pala ni Kuya Germs ang kanyang imbitasyon sa mga alumni ng That’s.  Welcome kayong lahat.

*  *  *

Mahigit dalawang buwan nang sa third floor ng Ricky Reyes nakatira ang mga kalahok sa Philippines Hair Divas Search 2007 kaya na-miss na nila ang kani-kanilang mga mahal sa buhay.

At dahil naniniwala si Mother Ricky Reyes na ang Pasko’t Bagong Tao’y dapat i-celebrate sa piling ng pamilya’y binigyan niya ng bakasyon ang mga Ricky Reyes wannabes.

Sa Gandang Ricky Reyes ngayong Linggo 10-11 NU, Q-11 ay matutunghayan ang emosyonal na homecoming ng mga RR wannabes na nahuli ng kamera kaya tiyak na  mata-touch kayo.

Bago ang bakasyo’y namahagi muna ng mga regalo ang Hair Divas sa PGH Munting Paraiso, The Child House of Luwalhati ng Maynila. Naging instant Ninong at Ninang sila ng mga naroong nabigyan nila ng kaligayahan.

*  *  *

Patuloy ang pakikipaglaban nina Zaido Red at Zaido Green sa mga kuuma katak, si Zaido Green ay tinutulungan ng sky fighter at si Zaido Red, tatawagin ang  red falcon papuntang time space warp.

Binigyan ni Ulla ng instruction si Gallian upang mahinto ang bomba pero, hindi nito makita  ang maliit na keypad. Patuloy pa din ang pag bulusok nila papuntang space. Naisip ni Gallian na gamitin ang Zaido blade. At naglaglagan ang mga Xmas balls.

Samantala, nagtataka si Zaido Red na hindi siya lumalabas sa time space warp. Nag-worry din  si Commander Zion na natrapped si Zaido Red. Bigla, nag-appear sa harap ni Zaido Red si Drigo. Ipagtatapat na ba ni Drigo na siya ang tunay na ama ni Cervano?  Makabalik pa kaya si Zaido Red sa planetang earth?

Ito ang dapat paka­abangan sa susunod na Linggo ng maaksyong Zaido ng GMA 7.

*  *  *

Mamumulubi si Gary Valenciano kung bibigyan niya ng isa isa ang lahat niyang taga­hanga ngayong Pasko. Kaya napaka­ganda ng naisip niyang Pamas­kong regalo sa kanila.

Nung Disyembre 21 ay nagdaos siya ng isang libreng concert sa Eastwood Plaza Libis. It was his way of giving back to fans who remained loyal to him throughout the year.Tinulungan siya ng anak na si Gabriel, ang Powerplay Band at ni Mon Faustino na siyang nagsilbing musical director. Dinayo’t dinumog ang konsyerto na nagtampok din ng synchronized fireworks at laser display.

*  *  *

[email protected]

vuukle comment

KUYA GERMS

ZAIDO

ZAIDO RED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with