^

PSN Showbiz

Merong masasaktan sa pagsasabay ng Billy/Christian concerts

KWENTONG SHOWBIZ - Ernie Pecho -

Head-on collision ang mangyayari sa live concerts nina Billy Crawford at Christian Bautista sa Sabado, Oktubre 6.

Magkasabay na ipa­palabas ang Ins­pired ni Christian at ang unang major concert ni Billy na It’s Time. Ang una’y sa Cuneta Astrodome at ang sumunod naman ay sa Araneta Coliseum.

Kahit pa­pa­no, ma­aapek­tuhan ang dala­­wang shows ng ma­hu­hu­say na Pinoy per­for­mers. Nag­katapat sila sa mag­kai­bang ve­nues, ka­ya ma­ha­hati ang mga mano­nood sa dala­wang shows.

Kilala na si Billy Crawford bilang isang total per­former kahit no­ong bata pa si­ya, Kaya lang, ma­ta­gal siyang nawala sa ban­sa nang mag-mi­grate ang kanyang pa­milya sa US.

Nabalitaan na lang natin siya na isa siyang superstar sa Europe. Sa France kasi siya nabig­yan ng recording break at naging super suc­cessful ang kanyang album. Naging big hit pa ito sa iba’t  ibang bansa sa Europe.

Kahit saan magtang­hal ng kanyang live concert sa nasabing continent, dinudumog. Hanggang magpasya siyang bumalik sa U.S. at doon na sa New York magtayo ng kanyang sariling record & pro­duction company.

Ngayon ay nandito siya sa ating bansa upang pag­ti­bayin ang kanyang estado bilang leading entertainer. Ang kan­yang live concert sa Big Dome  on October 6 (Sa­bado) ang isa sa magiging batayan kung matatag na ang kan­yang showbiz ca­reer sa sariling bansa.

Na-promote naman ng husto ang show dahil nagkaroon pa ng one-month search para sa kanyang back-up dan­cers for the concert.

Ang naging pro­blema lang, isa pang top R&B artist ang may live concert sa Araneta Coli­seum, a week after. Ang show ni Ba­by­face ay ina­abangan na rin ng mga R&B fans sa ating bansa.

Kahit hindi ito ka­sabay ni Billy, ang Babyface show ang tiyak na makaka-apekto sa Pinoy artist’s show. Sa mga R&B fans kasi, isang icon si Baby­face. Sa ibang taga­hanga niya na limitado ang budget, malamang na ilalaan na nila ito sa pagbili ng tic­ket para sa Ame­ric­an/sing­er/com­poser/producer.

Samantalang si Chris­tian Bautista na­man, solid ang mga followers na susuporta sa kanyang live con­cert. Kahit pa nga sa Cuneta Astrodome lang ito, very ac­ces­sible pa rin sa mga tagahanga niyang ta­ga-Metro Manila.

Palagay ko, naka­uungos na ang Ins­pired na higit na ma­raming ma­nonood kay­sa show ni Billy.

Isa pa, ma­hirap pu­nuin ang Ara­neta  Co­li­seum na ve­nue ni Bi­lly. Sa­na na­man hindi siya ma­tulad sa ilang artists na pinamigay na lang ang mga hindi nabiling tic­kets, para lang masa­bing napuno nila ang Big Dome.

Ano na kaya ang nangyari sa movie proj­ect na pagbibi­dahan sana ni Billy Crawford at Heart Evangelista?

Noong unang du­ma­­law sa bansa si Billy, mainit ang balitang ito at nag­padala pa siya ng isang dosenang Ecua­do­riaon roses kay Heart.

Noon ay may balita din na gagawa ng isang pe­likula sa bansa si Jasmine Trias. Hang­gang ngayon bu­sy si Jas­mine sa kan­yang mga show­ biz com­mit­ments sa Tate.

vuukle comment

ARANETA COLI

ARANETA COLISEUM

BIG DOME

BILLY CRAWFORD

CUNETA ASTRODOME

KAHIT

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with