^

PSN Showbiz

Bonggang b-day celebration ni Mother Lily

KWENTONG SHOWBIZ - Ernie Pecho -

Isang engrandeng parangal ang ibibigay sa Regal Films ma­triarch Mother Lily Monte­verde, ngayong Linggo, August 26, sa SOP ng GMA. Ang kan­­yang mga Regal Babies at iba pang mga mala­laking bituin ng pelikula at TV ang kasali sa mga mara­rangyang product­ion  numbers.

Tiyak na dudumugin ang GMA studio ng mga celebrities at iba pang showbiz lumina­ries upang bumati kay Mo­ther Lily. Noong last Sunday pa ang kan­yang kaarawan, Agos­to 19, pero ngayon ito ipag­diriwang sa isang bong­gang pagtatang­hal ng SOP.

Kung meron mang mga sumikat sa baku­ran ng Regal Films na wala sa SOP, tiyak na taga-ABS-CBN sila at hindi mapapayagang lumabas sa kalabang network.

Kaya naman di na namin inaasahan na naroon sa SOP sa Linggo si Maja Salva­dor, current apple of Mother Lily’s eye. In­i­lunsad ng Regal Films si Maja as the newest movie star—and hope­fully ang bagong box-office star— sa My Kuya’s Wedding, na bida rin sina Ryan Agoncillo at Pauleen Luna.

Kahit gustuhin man ni Maja na personal na bumati kay Mother Lily tiyak na hindi siya papayagan ng ABS-CBN.

Ngayong Linggo ay ipag­­diriwang ng SOP ang pa­gi­ging show­biz icon ni Mother Lily.

“Sa totoo lang, hin­di na ako nag­si-cele­brate ng birth­day ko for so many years,” wika ni Mother Lily. “Pero nang malaman ko na bibig­yan ako ng special ce­lebration ng SOP, I was so touched and sur­prised.”

* * *

Higit na kina­ka­ba­han nga­­yon si Maja Sal­vador dahil mama­yang gabi (Linggo) na ang pre­miere  night ng My Ku­ya’s Wedding sa SM Megamall Ci­nema 6.

Para sa bagong bi­tuin na binigyan ng ma­­ gandang break ni Moth­er Lily, nararam­da­man na ni Maja ang matin­ding pressure. Bilang isa sa mga bida ng My Kuya’s Wed­ding, pani­wala ni Maja na naka­tuon lahat ang mga ma­ta ng publiko sa kanya.

Si Mother Lily na­man at lahat ng kasali sa My Ku­ya’s Wed­ding pati na si Direktor To­pel Lee, nanini­wa­lang ta­tang­­kilikin ng mga Pi­noy ang pelikula.

Sabi nga ni Ryan, “Pam­pa­mil­ya talaga ang mov­­ie at tunay na may puso. Lahat ta­yong mga Pi­noy, ma­ka­ka-re­late sa kwen­tong inila­had sa My Kuya’s Wed­ding.”

Matapat ang pasa­salamat ni Maja Salva­dor kina Mother Lily, Ryan Agoncillo, Pau­leen Luna, Direktor Topel at lahat ng ka­sama sa pelikula. Sa buong panahon na ginawa niya ang pe­likula nadama niya ang suporta at pag­ma­mahal ng lahat.

“Masaya kaming lahat sa shooting kaya’t lumabas ng masaya at maganda ang My Ku­ya’s Wedding,” sabi ni Maja. “I’m sure ma­ra­ramdaman ng mga mov­iegoers ang lahat ng positive feeling at kasiyahan.”

Itatanghal nang box-office star si Maja sa Agosto 29, ang open­ing ng My Kuya’s Wed­ding.

Sa inaasahang ta­gumpay ng Regal Film, hindi kaya pigilan na siya ng Star Cinema na magtrabahong muli sa kumpanyang unang nag­bigay sa kanya ng big break as a movie actress?

vuukle comment

LILY

MAJA

MOTHER LILY

MY KUYA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with