^

PSN Showbiz

Marian at Dingdong, sweet-sweetan

-

Mamaya na ang presscon ng Marimar at marami tayong ma­lalaman sa sinasabing closeness nina Marian Rivera at Dingdong Dantes. Kung bakit kailangan nilang mag­hintayan sa pagkain at kung bakit sweet-sweet­an sila kahit off-camera.

May tsikang pinag­se­losan ni Karylle ang closeness na ‘yun at dahilan para sila’y mag-break. Nag-text ang kaibigang reporter kay Dingdong para alamin kung totoong hiwalay na sila ng singer-actress. Maik­sing “We’re still okey, trust me,” ang sagot nito without any explanation.

Sana rin present si Fulgoso sa presscon, kaya lang, hindi nito masasagot kung totoong nag-iinarte siya sa taping dahil cannot talk si Nigel (name ng aso). Sa August 13 na ang pilot ng Marimar at dahil umeere pa ang Lupin, ano kaya ang gagawin ng GMA-7 para makasama sa telebabad block ang limang series.

* * *

May tsikang in-offer si Heart Evangelista ng GMA Films para makasama sa cast ng Dagao, ang horror movie na pagsasamahan nina Richard Gutierrez at Dingdong Dantes. Hindi lang daw natuloy ang actress dahil ayaw nitong gumawa ng horror movie.

Iba ang nakuha naming kuwento sa muntik na pagkasali ni Heart sa cast ng movie. Si direk Chito Roño ang nag-suggest ng name niya being the line producer of the movie, pero hindi nga natuloy dahil sa nasulat naming rason at iba pang dahilan. Kung na­tuloy siya, ka­nino kaya kina Rich­ard at Dingdong siya ipa­pa­re­ha?

Malapit na rin na­mang magbalik-peli­kula si Heart sa Star Cinema dahil may meeting si Angeli Pa­ngilinan-Valenciano kay Malou Santos para sa film projects ng nobya ni Jericho Ro­sales. Pati sa TV, mag-a-active na rin siya after she signs a two-year contract with ABS-CBN.

* * *

Si Ida Henares ang nag-decide kung itu­tuloy pa ni LJ Reyes ang pagko-cover sa FHM. Ang desisyon ng head ng GMA Artist Center, next year na lumabas sa men’s mag­azine ang dalaga dahil marami ng Ka­puso stars ang nag-cover sa magasin this year at matatalbugan lang siya.

Advantage kay LJ ang pagka-postpone ng paglabas niya sa FHM dahil mapagha­handaan niya ng husto. Two years nang na­papa­sama sa 100 Sexiest ng magasin ang dalaga at baka nga naman ‘pag nag-cover siya’y, ma­pasama na siya sa Top 10. Sexy na pang-school girl ang gustong image ng da­laga ‘pag la­bas niya sa ma­gasin.

Sa TV, mas ma­ agang magpapa-sexy si LJ dahil role ng isa sa limang seksing ama­sona ni Jay Ma­nalo ang kanyang ga­gampanan sa Zaido (Pulis Pangkalawa­kan). Ang next target ni LJ ay mapasama sa tele-drama ng GMA-7 at alam niyang ma­ka­kaya niya ang chal­lenge ng drama.

* * *

Isa sa bagong kan­tang madalas naming mapakinggan sa radio ay ang “Sabihin” ng Zelle Band. Maganda ang kanta at magaling ang boses ng female lead vocalist, kaya agad nagustuhan ng listen­ers. Ang nasabing kan­ta’y carrier single ng “Search for Warmth” album ng banda, re­leased under Sony BMG.

Ang Zelle ay binu­buo nina Jeazell Gru­tas (lead vox and com­poser), Jasper Gru­tas (drums), An­thony Ra­mirez (vio­lin), Enan Cruz (bass), at Archie Salvador (guitar). Alter­native Pop-Rock ang tunog ng banda, pero agad mapapansin dahil sa galing ng vocalist at ganda ng songs sa kanilang 11-track al­bum. Si Myke Sarthou ang executive pro­ducer ng album na manager din ng banda. He’s the same guy na nagma-manage sa Cueshe. – NITZ MIRALLES

vuukle comment

ANG ZELLE

ANGELI PA

ARCHIE SALVADOR

ARTIST CENTER

DAHIL

DINGDONG DANTES

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with