^

PSN Showbiz

Lucita Soriano, nakabingwit ng Puerto Rican

RATED A - Aster Amoyo -

Nagtataka kami kung bakit hindi na gaanong visible sa pelikula at maging sa telebisyon ang veteran actress na si Lucita Soriano.  Yun pala ay sa Amerika na ito naka-base ganoon din ang anak niyang si Gary Boy Garcia na naka-base sa Texas at nagta­trabaho bilang isang network programmer ha­bang narito naman sa Pilipinas ang isa pa niyang anak na si Marco Polo Garcia na nagsi­silbing kagawad sa Bgy. Pasong Tamo ng Que­zon City..

Si Lucita na isa na ring pastor magmula nang siya’y maging isang born again Christian nung September 1980 ay naka-base nga­yon sa Sacramento, California at nagtatra­baho siya ngayon sa Philippine Children’s Fund of America, isang non-profit organization.

Sa darating na July 18 ay magsa-sampung taon na ring wala ang kanyang namayapang mister, ang veteran actor na si Rodolfo ‘Boy’ Gar­cia.

Sa edad na 67, muk­ hang bata ngayon si Lucita na masasabing hiyang sa Amerika.  Ka­tunayan, inamin nito sa amin nang kami’y mag­kita sa taping ng Walang Tulugan ni Kuya Germs nung isang Sabado ng gabi na meron siya nga­yong boyfriend na isang Puerto Rican na nagnga­ngalang Jose Antonio Garcia na labing-apat na taon ang bata sa kanya.  Mahigit tatlong buwan na umano niya itong kasin­tahan at isa itong dibor­siyado.

Dumating sa bansa si Lucita nung Marso 3 at bumalik na ito ng Ame­rika nung nakaraang Huwebes.

* * *

Ang singer-comedienne na si Tuesday Var­gas ang tampok na pa­na­uhin ng Bahay Mo Ba ‘To ngayong Martes ng gabi sa GMA-7. Dahil pa­sukan na, back-to-school ang tema ng programa na tinatam­pukan nina Ronaldo Valdez, Tessie Tomas, Gladys Reyes, Wendell Ramos, Keem­pee de Leon, Francine Prieto, Sunshine Dizon, She­rilyn Reyes, Mike ‘Pekto’ Nacua, Tiya Pusit, Dino Guevarra at iba pa mula sa direk­siyon ni Al Quinn.

* * *

Personal:  Belated happy birthday sa aking nakatatandang kapatid na si Estrella Amoyo-Anabeza kaha­pon, June 3.

* * *

E-mail:  [email protected]

vuukle comment

AL QUINN

AMERIKA

BAHAY MO BA

DINO GUEVARRA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with