^

PSN Showbiz

‘Di si TV host/actress ang kasama ni mister sa mall!

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
May mga nagtatanong sa amin kung totoo nga ba na ang ugat sa malamig na relasyon ngayon ng sikat na showbiz couple ay dahil sa third party?

Gaano katotoo ang naisyete sa amin ng isang executive ng movie company na nakita niya ang mister ng aktres na may kasamang ibang babae (hindi ang kanyang misis) somewhere in a Quezon City mall?

Tinanong namin ang itsura ng girl at sinabi nitong maganda siya at binanggit pa ang pangalan sa amin. Sana this time ay malusutan ang problemang dumarating sa kanila ng celebrity husband niya.
Cliff Richard, Walang Kupas
Pinalad kaming makausap ang bantog na singer na sumikat sa mga timeless hits niyang "Constantly", "Ocean Deep", "Summer Holiday" at marami pang iba nang mag-host kami sa kanyang Love Conquers Mall na idinaos sa Mall of Asia noong Lunes para sa personal appearance at mabati ang mga fans.

May ilang writers na galing pa ng NAIA ang naroon para tanungin si Cliff Richard. Hindi kasi natuloy ang presscon nito pagdating sa airport kaya tumuloy agad ito sa Mall of Asia. Magiliw naman nitong sinagot ang mga katanungan kung saan bago magtapos ang programa ay hinarana ito ng mga kabataan mula sa DSWD (Nayon ng Kabataan) at sumabay pa siya sa pagkanta ng "The Young Ones".

Sa concert nito sa Araneta Coliseum noong Pebrero 13 ay maraming nagsabi na hindi pa rin nagbago ang kanyang tinig at sumasayaw pa ito habang kumakanta. Sa unang bahagi ay puro mabibilis ang kanyang kinanta at karamihan ay mula sa kanyang bagong album.
Jazz & Arts Festival, 2 Years Na
Naaliw kami sa panonood ng tumutugtog na banda sa Philippine International Jazz & Arts Festival na ginanap sa Glorietta Activity Center na ang rhythm ay Brazilian.

Ayon sa Chairman at pangulo ng Jazz Society of the Philippines na si Sandra Lim Viray, ikalawang taon nila ito ng pagdiriwang kung saan ang Gala Night ay idaraos sa February 23, 2007 sa Coconut Palace at magtatampok kina Flora Purim at Airto Moreira Group. Ang proceeds ng ticket ay mapupunta sa mga jazz musician din na nangangailangan ng tulong.

Bukas ay nasa Podium ang Jazz Festival ganap na 5PM at sa Feb. 20 ay nasa Market-Market naman ito at 4PM at Feb. 24 sa Harbour Garden ng Sofitel Phil. Plaza 8:30PM tampok sina Eldar Djangirov at Diane Schuur.

vuukle comment

AIRTO MOREIRA GROUP

ARANETA COLISEUM

ARTS FESTIVAL

CLIFF RICHARD

COCONUT PALACE

DIANE SCHUUR

ELDAR DJANGIROV

FEB

MALL OF ASIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with