^

PSN Showbiz

Aktor, madalas magpalibre sa dating gf na aktres

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Laging one-way ang drama ng sikat na young actor pagdating sa pagbibigay ng regalo o paglilibre ng nagiging nobya sa kanya ayon sa aking source. Noong nakaraang Pasko ay niregaluhan ang aktor ng kanyang ex-dyowa na umabot sa malaki-laking halaga pero di naman siya nakapagbigay ng Christmas gift sa nobyang aktres.

Ganito rin pala ang nangyari sa una niyang nobya na isa ring aktres kung saan siya lagi ang naglilibre kapag kumakain sila sa labas o kaya’y siya rin ang nauuna sa pagbibigay ng regalo sa mahahalagang okasyon pero wala ring kapalit dahil di siya nabibigyan ng regalo ng aktor.

Mabuti na lang nang magkahiwalay sila ay nagkaroon ito ng bagong nobyo at naiba ang mundo ng aktres dahil thoughtful ang bagong bf nito at lagi siyang may regalo dito bukod pa sa di nito nararanasan na siya ang maglibre sa nobyo kapag may pupuntahan silang gimikan o kaya’y kakain sa mamahaling restoran.
Planong Mag Migrate Sa America
Pinabulaanan ni Gladys Guevarra ang balita tungkol kay Janno Gibbs na naging karelasyon niya at sinabing namis-interpret lang ang pagiging malambing nito sa mga babae gaya niya.

Sa kabilang banda, excited na si Gladys dahil first time na makakasama niya sa pre-Valentine concert si Rico Puno at Verni Varga titled Love Affair ng Royal Era Entertainment.

"Alam kong balahura si Rico at handa na ako sa kanya. Naiintimidate naman ako kay Verni dahil diva yan. Nagpalit na ako ng repertoire na mga alternative songs. Kung balahura si Rico J. balahura rin ako kaya magkakasundo kami," anang komedyante.

Apat na beses nang nagpapalit ng sasakyan si Gladys pero ngayon ay naka-Expedition na ito. Mayroon na siya ngayong lugawan na malakas. Pero hindi pa niya type na bumili ng bahay dahil balak din pala nito na mag-migrate sa Amerika.

Tuwing birthday ay naghahanda siya kahit noong maliit pa siya kaya balak niya magselebrayt ng birthday sa Zirkoh. Nangako siya sa kanyang pamilya na mag-a-abroad sila at pupunta ng Hongkong this week para makapag-bonding. Tatapusin lang nito ang promosyon ng Magic Kamison.

vuukle comment

GLADYS

GLADYS GUEVARRA

JANNO GIBBS

LOVE AFFAIR

MAGIC KAMISON

PLANONG MAG MIGRATE SA AMERICA

RICO J

RICO PUNO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with