^

PSN Showbiz

Sunshine, parang mom ni Lovi!

-
Malaking tulong kay Lovi ang makailang beses niyang guestings sa mga show ni Ogie Alcasid kaya naman sa February 11, sa mismong araw ng kaarawan niya ay may concert siya sa Teatrino Promenade Greenhills na may titulong It’s Gonna Be Love (A Valentine & Birthday Concert).

Aminado ang dalagita na super kaba siya sa kanyang solo show dahil 20 songs ang kailangan niyang bunuin sa dalawang oras niyang show at 18 ang solo at 2 ang dueto with Ogie na siya ring director ng show.

"Nahasa po ako sa kaka-guest kay kuya Ogie at sana po this time, kaya ko na talaga, it’s a three part show," esplika ni Lovi.

Samantala, ini-expect ni Crystal (anak ni Bakekang) na manonood ang cast ng soap drama nilang Bakekang lalo na ang itinuring niyang mommy na si Sunshine Dizon na very supportive sa kanya.

"Sobra po ang suporta niya sa akin, feeling ko, mommy ko siya talaga, ang galing-galing niya," nakangiting kuwento ni Lovi.

At siyempre, naroon din daw ang kanyang inspirasyong si Cogie Domingo na ipinagtanggol niya, hindi na raw ito nali-late sa mga commitments dahil always on time ito kapag may usapan sila.
* * *
Maski gustuhin mang makipag-date ni Aiai de las Alas ngayong Valentine’s Day ay hindi puwede dahil unang-una ay wala naman daw siyang lovelife, "Kaya paano ako makikipag-date? E, di magso-show na lang ako, may kita pa," patawang sabi ng komedyanang actress/singer.

Natapat kasi na sa February 13 at 14 ang Love To Laugh show nila ni Ogie Alcasid sa Music Museum at kung may magpadala man daw sa kanya ng bulaklak, sana ay magpakilala naman ng pormal.

Samantala, sa nalalapit daw na pagtatapos ng Super Inggo sa second week of February ay abangan daw dahil tiyak na maraming magugulat sa kakaibang pagtatapos nito dahil parang pelikula.

At dahil maraming younger men sa Super Inggo ay hindi nakaligtas si Aiai kung sino sa mga naroon ang crush niya dahil kilalang mahilig siya sa bagets kesa sa sing-edad niya.

"Sino nga ba? Actually slight kong type si Zanjoe (Marudo), pero hindi ganun kalakas, slight lang. At saka behave ako sa taping ng Inggo ‘no, alam mo na kung bakit," saka sinabayan ng tawa ni Aiai.

As of now ay hindi na raw umaasa pa si Ms. A na magkakaroon siya ng lalaki sa buhay dahil parati na lang nau-unsiyame, "Kuntento na ako ng wala, masaya naman ako dahil nandidiyan ang mga anak ko," say niya.
* * *
Sa episode ng Eat Bulaga kahapon ay isa-isang tinatanong ang mga contestant ng On The Spot kung sino ang mas gusto nila, ang Sexbomb o ang EB Babes na magkakaroon daw ng showdown sa Sabado.

Naloka naman kami kasi halos lahat ay Sexbomb ang boto ng contestants at ang EB Babes ay zero ang score.

At ang nakakaloka pa ay si Joy Cancio rin ang magko-choreograph sa EB Babes? - Reggee Bonoan

vuukle comment

A VALENTINE

AIAI

BAKEKANG

BE LOVE

BIRTHDAY CONCERT

DAHIL

LOVI

OGIE ALCASID

SUPER INGGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with