^

PSN Showbiz

Gina Pareño, aktres!

- Veronica R. Samio -
Napakasayang panoorin ang Kasal Kasali, Kasalo ng Star Cinema na isa sa 9 na pelikulang kalahok sa MMFFP. May mga eksena na kung saan ay naka-relate ako, nakita ko na lang na umiiyak pala ako.

Gamay talaga ni Direk Jose Javier Reyes ang mga pelikulang ganito, yung tungkol sa marriage at swerte naman na kahit mag-bf pa lamang ang mga bida niya ay bagay na bagay sila sa kanilang mga roles, parang tunay na mag-asawa na sila. Magaling sina Ryan (Agoncillo) at Judy Ann (Santos), maski yung mga kasamahan nila ay nagawang paartihen ni Direk.

Pero ang talagang halos kainin ang mga ka-eksena niya ay si Gina Pareño with her "Politicians ako" at "I decide", nagagawa niyang pahagikgikin ang mga manonood. I’m sure she’ll be hard to beat sa Best Suporting Actress category at maski na ilagay pa siya sa Best Actress dahil talagang magaling siya at nag-shine sa movie.
* * *
Sasamahan si Kyla ni JayR sa paghu-host ngayong 7NG ng Pop Star Kids. Magpapatalbugan ang mga grand finalists 1 & 2 kasama ang UP Concert Chorus. At ang defending champion na si Diana ay may karagdagang pangalan, Tabitha. Maging swerte kaya ang pangalang ito para matalo niya sina Rodel, Janahfe at Gracelle? Panoorin.
* * *
Samantala, may fundraising concert ang mga empleyado ng GMA7 sa Disyembre 27, 8NG, sa Music Museum.

Pinamagatang Give Love on Christmas Day: A Benefit Concert, mabibiyayaan nito ang mga kapwa Kapuso na may breast cancer tulad ni Genevieve Torrejos, isang empleyado ng GMA na matapang na nakikibaka sa breast cancer.

Tampok sa concert si Kyla, kasama ng mga finalists ng Pinoy Pop Superstar Year 3, Shamrock, 6Cyclemind, Callalily, Faith Cuneta, Protein Shake, Roxanne Barcelo, Champagne Morales at UP Manila Chorale.

Makakabili ng tiket sa Ticket World outlets (lahat ng National Bookstores, Robinson’s, Tower Records at Ayala Center. Tumawag sa 8919999 o 9280705.
* * *
[email protected]

vuukle comment

AYALA CENTER

BEST ACTRESS

BEST SUPORTING ACTRESS

CENTER

CHAMPAGNE MORALES

CHRISTMAS DAY

CONCERT CHORUS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with