^

PSN Showbiz

Global scholars, sa Pilipinas na titira!

-
Hindi na ini-expect ng pride ng California, USA na si Irish Fullerton na siya ang tatanghaling 1st Grand Star Dreamer ng Pinoy Dream Academy bukas Sabado, December 16 dahil alam niyang mas may nakahihigit sa kanya.

"Thankful na po ako at nakarating ako sa top 6 that I never imagined because I know naman na maraming magagaling than me.

"Sinuwerte lang po ako talaga to be one of them. That’s why win or lose, naka-mind set na po na I’ll be staying here in the Philippines and continue my singing career," nakangiting paliwanag ng seksing scholar during the press interview ng top 6 scholars.

Nagkausap na raw sila ng mga taga-ibang bansa na sina Joan Ilagan, Gemma Fitzgerald at Michelle Bond na dito na sila maninirahan at mag-stay din sa iisang condo.

"Kasi po, hindi ako sanay na may kasama sa kwarto, pwedeng kasama sa house, pero not in my room. Siguro po iba-ibang unit na lang para may privacy kami," esplika ng scholar sa loob ng academy.

Samantala, loveless ngayon si Irish at hindi siya namimili ng nationality ng magiging boyfriend o asawa niya dahil ang katwiran niya, "I don’t discriminate, I appreciate," kaya welcome sa kanya ang black people.
* * *
Among his artistas in both films na Kasal, Kasali, Kasalo at Matakot Ka Sa Karma ay si Judy Ann Santos ang diretsahang binanggit ni Direk Joey Reyes na pwedeng lumaban sa best actress category ngayong 32nd Metro Manila Film Festival dahil acting piece raw ang role niya sa entry ng Star Cinema.

Dahil sa Karma ay hindi naman daw pang-acting award ang role nina Gretchen Barretto, Rica Peralejo, Angelica Panganiban, Tanya Garcia maliban kay Anna Capri na talagang minamani lang ang pag-arte.

"I hope Judy Ann wins, this girl deserves it," say ni Direk Joey sa press launch ng Matakot Ka Sa Karma.

At dagdag pa, "I’m sure lalaban ang both films sa boxoffice and I believe na magugustuhan nila ang mga pelikula ko kasi magkaiba naman ang genre." - Reggee Bonoan

vuukle comment

ANGELICA PANGANIBAN

ANNA CAPRI

DIREK JOEY

DIREK JOEY REYES

DREAM ACADEMY

GEMMA FITZGERALD

GRETCHEN BARRETTO

IRISH FULLERTON

MATAKOT KA SA KARMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with