^

PSN Showbiz

Mga alaga ni Annabelle Rama, hold ang guestings sa Siete dahil lumabas sa ASAP?

-
Gaano katotoo na naka-hold daw ang lahat ng guestings ng mga alaga ni Annabelle Rama na sina JC de Vera, Ehra Madrigal (ate ni Michelle Madrigal) at Nicole Anderson sa mga shows ng GMA-7 dahil nag-guest daw ang tatlo sa ASAP’06 last Sunday?

Nagulat daw ang mga bossing at staff ng Siete nang ma-monitor nilang may production number sa programang katapat ng SOP ang tatlong alaga ni Bisaya gayung mainstay sila ng SOP Gigsters.

Tanong namin sa nagkwentong bossing sa amin, "Di ba wala ng Gigsters?"

"Hindi naman totally wala na, kasama na siya sa SOP at kung hindi man kasama yung tatlo that day sa SOP, hindi ibig sabihin na totally wala sila, e, bakit sila nag-guest sa ASAP, e, katapat ng SOP ‘yun?" katwiran sa amin.

Aba’y oo nga, bakit nga ba nag-guest ang tatlong Gigsters sa ASAP?

Teka, may kontrata ba ang tatlong bagets sa GMA-7 para pwede silang bigyan ng disciplinary action? 
* * *
Nakarating sa amin na nairita ang staff ng Hooo U? kay Marvin Agustin dahil nagpasabi raw itong mali-late ng dating sa taping dahil dadalo sa debut ni Pauleen Luna.

Ang eksaktong tsika sa amin, "Lahat ng cast, nag-adjust dahil sa kanya, e, after lunch dapat ang call time ng lahat, pero naging alas otso ng gabi dahil nga kay Marvin. 

Hindi na namin babanggitin ang name ng taong super na nagreklamo sa ginawang adjustment ng taping dahil tiyak na gulo na naman ito, pero ang say ng taong ito, "Bakit, siya ba ang pinakabida rito sa Hoooo U? Heto na naman siya, pa-importante na naman tulad ng ginagawa niya noon sa Dos."

Kung pamilyar si Marvin sa ugali at kung paano magsalita ang mga katrabaho niya sa Hoooo U ay tiyak na matutumbok na niya kung sino ang nagsalitang ito.
* * *
Almost the same pala ang kurso ng mag-jowang Alfred Vargas at LJ Reyes na Financial Management in Economics kaya kapag knows ng aktor ang assignment ng girlfriend niya ay tinuturuan niya ito.

Graduate na si Alfred sa Ateneo years ago at si LJ ay nasa 2nd year college na sa La Salle at very proud si Alfred dahil ang sipag mag-aral ng kanyang hopefully, future wife.

"Yung ibang assignments niya, alam ko kaya tinuturuan ko siya kasi halos may mga pareho kaming subjects." 

Flattered si Alfred nang banggitin namin sa kanya ang sinabi sa amin ni LJ na "ideal man" siya nito at kung ito ang masusunod ay ang aktor na ang gusto niyang makatuluyan.

"Talaga? Nakakatuwa naman," nakangiting sambit ni Alfred na sinundot kaagad ng tanong na kung may plano na ba silang magpakasal.

"Naku, wala pa po, ha, ha, ha, hindi pa napag-uusapan. Masyado pang maaga, three months palang kami. Wala pa talaga. Siyempre sa ngayon, si LJ din ang gusto ko," katwiran ni Alfred.

Pero very honest ang aktor sa kanyang girlfriend na lahat ng kilos at desisyon nito ay sinasabi niya rito para sa ikagaganda ng kanilang pagsasama.

Kaya pati mga eksenang ginawa nila ni Katrina sa Gigil na ipalalabas na sa November 22 ay ipinagpaalam lahat ng aktor kaya naman nawala lahat ng agam-agam ni LJ.
* * *
Isa kami sa inimbitahan sa birthday party ng isa sa business head ng ABS-CBN na si Deo Endrinal last Tuesday night at nagulat kami dahil pagpasok palang namin sa entrance ng venue ay namataan na namin ang mga GMA-7 stars na sina Marian Rivera, Lovi with Cogie Domingo, ilang familiar faces na taga-Siete rin.

Say nga namin sa aming sarili, na sure bang si Deo ang may pa-party dahil maraming Kapuso stars?

At pagpasok sa loob ay nandun na nakaupo ang big stars ng ABS-CBN headed by Kris Aquino with hubby James Yap, Matt Evans with girlfriend Olyn Maimban, Say Alonzo, Rico Gutierrez, Rico Robles talent managers Manay Ethel Ramos, Dolor Guevarra, Manny Valera, Dondon Monteverde, Popoy Carotativo, Joji Dingcong, Chit Ramos, Shirley Kuan, Alfie Lorenzo, movie producers Malou Santos, Mother Lily Monteverde, Veronique del Rosario-Corpus with husband and many more.

At siyempre, present ang presidente at CEO ng Dos na si Mr. Gabby Lopez III, SVP for News and Entertainment Charo Santos-Concio, VP for Entertainment, Cory Vidanes, SVP for Star Magic Johnny Manahan, head PR ng SM, Rikka Dylim at lahat ng business heads sa Channel 2 at iba pang executives ng bawa’t programa. – Reggee Bonoan

vuukle comment

ALFIE LORENZO

ALFRED VARGAS

ANNABELLE RAMA

CHIT RAMOS

COGIE DOMINGO

CORY VIDANES

DAHIL

DEO ENDRINAL

HOOOO U

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with