^

PSN Showbiz

Nahihiya rin si Regine na makipag-kissing scene!

- Veronica R. Samio -
Wala namang movie na ginawa ang Asia’s Songbird na walang halikan, di ba? Katunayan, kung mayro’n mang bagay na umaapaw sa mga pelikulang ginawa niya, ito ay ang mga eksenang halikan. Ang mga eksenang ito ang inaabangan sa pelikula niya, dahil, sinasabi nilang napaka-galing humalik ng isang Regine Velasquez! Nakakakilig daw, kahit sino pa ang maging kahalikan niya!

Marami rin nito sa pelikula nila ni Robin Padilla na ipalalabas na sa buwan ng Oktubre, ang Till I Met You na magkasamang iprinodyus ng GMA Films at Viva Films.

At pinaka-aabangan na naman ito ng mga manonood, dahil mga torrid daw ang kissing scenes nila, talagang nagbabanggaan ang mga dila!

"Pero, alam n’yo bang di ko naaalala ang mga kissing scenes ko?" tanong ni Regine sa presscon ng kanilang movie ni Robin. "Kapag ginagawa ko kasi ang mga ganitong eksena ay inilalagay ko ang sarili ko sa mga characters na ginagampanan ko. Kapag bumalik na ako sa reyalidad at naging si Regine na ulit ako, na-forget ko na yung ginawa ko. Pag hindi ko kasi ito ginawa, mahihiya ako, maiilang, dahil napakaraming tao sa set, nanonood. Pero, sabi ko trabaho ito na kailangang gawin. At siguro kaya sinasabi nilang magaling akong humalik ay dahil I kiss back my partner, hindi one -sided lamang ang kissing scene," paliwanag ng magaling na singer/actress na nagtapat sa press na mayro’n na siyang boyfriend na non-showbiz. Four years na raw sila at kaya ayaw niya itong ilabas ay gusto niyang maging private ang relationship nila. "Ilalabas ko rin siya sa tamang panahon," pangako niya.

Kasama rin sa Till I Met You si Eddie Garcia, ang mayamang don na handang pakasalan si Regine pero tututol ang kanang kamay nito at itinuturing na anak (Robin).

Si Mark Reyes ang direktor ng pelikula.
* * *


Napapalitan na ang image ni Princess Violago as a rich man’s daughter o kaya ay Paris Hilton of the Philippines. Unti-unti ay nakikilala na siya bilang isang artista. Dati ay co-anchor/reporter lamang siya ng S-Files ngayon, umaakting na siya, bilang isang rich kid sa Posh ng QTV 11at sa bago niyang palabas na Hoooo U? ng GMA7 na magsisimulang mapanood sa Oct. 8 ay masusubukan kung may talent siya sa comedy kasama sina Jolina Magdangal, Marvin Agustin, Patrick Garcia at Teri Onor.

Sa edad na 18, wala pang boyfriend ang real life princess na itinuturing na baby ng kanyang pamilya pero, hindi raw siya spoiled brat. "I didn’t ask for anything, everything was given to me.

"I don’t have a boyfriend because ayaw kong mag-boyfriend. But I have lots of boys making karinyo to me," may pagmamalaki niyang sabi.

Being the youngest of three children, dati ay sa pagitan ng mga magulang niya siya natutulog pero, ngayon kahit binabayaran siya ng mom niya para matulog muli sa tabi nila ay ayaw na niya.
* * *


Matutunghayan ngayong Biyernes ng gabi ang matinding sagupaan nina Sabina (Angel Locsin) at Juno (Katrina Halili) sa pagtatapos ng Majika. Hindi talaga paaawat si Juno para maangkin ang puso ni Argo (Dennis Trillo) na gagawin ang kanyang makakaya para mapalaya ang mga salamangka ng Saladin. Tutulong din si Markadan (Eddie Garcia).

Makayanan kaya ni Sabina ang kapangyarihan ni Juno? Kaya ba siyang iligtas ni Argo lalo’t di pa tumitigil si Ebrio (Polo Ravales)?

Mamamatay ba sina Sabina at Argo at di makamtan ang kapayapaan na matagal nilang inaasam para sa Saladin? Tumutok sa Majika ngayong Biyernes ng gabi, sa GMA7 primetime Telebabad Block.
* * *


E-mail:
[email protected]

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

BIYERNES

BUT I

DENNIS TRILLO

EDDIE GARCIA

HOOOO U

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with