^

PSN Showbiz

Ehra, Michelle, gustong sila ang magpalaki sa bunsong kapatid

- Veronica R. Samio -
Nakakahanga si Ehra Madrigal na prior to her being chosen as FHM’s cover girl ay siyang tumatayong nanay sa kanyang nakababatang kapatid na si Michelle.

"Magkasama kami dati ng bahay. Pero nung March, nag-decide siyang tumira kasama ang kanyang mga friends and since alam ko namang very independent siya at strong willed, pumayag na ako," anang 21 year old ate na ginulat lahat, including her parents and even Michelle, nang pumayag siyang mag-model for the popular men’s mag.

Hindi umaasa ng suporta ang magkapatid na Ehra at Michelle sa kanilang mga magulang na pareho nang may sariling pamilya.

"Okay naman yung mga kapatid namin sa father side, may kakayahan naman ang dad ko na itaguyod sila pero, walang trabaho ang mom ko at the moment at namatay na yung father ng youngest sister namin na si Michaela Angelika kaya gusto sana namin ni Michelle na kunin ang bunso naming kapatid kay mom at sana pumayag siya," ani Ehra who confessed na walang binago sa kanyang katawan. "Mataba ako ng konti kaya nagpapayat lang ako, pero lahat ng parts ng body ko ay totoo."
* * *
Pagpapapayat ang topic ngayong hapon sa Mel & Joey. Apat na celebs, sina Arlene Muhlach, Tess Bomb, Vivien dela Cruz at Marissa Sanchez ang sasailalim sa fitness exercises para malaman kung sino sa kanila ang pinaka-mabilis magpapayat. Sasamahan sila nina Gerald Pizzaras, Carlo Maceda at Imee Guanio bilang trainers.

Balitaktakan naman sina
Sherilyn Reyes at Manilyn Reynes tungkol sa usapang taba na dapat abangan ng lahat. Magsasabi rin ng may effective na pampapapayat.
* * *
Tingnan naman natin kung talagang effective ang tandem nina Mark Herras at Jennylyn Mercado na sasamahan sina Cogie Domingo at Lovi sa kanilang seryeng Love To Love (Jass Got Lucky).

Gaganap na genie ang dalawa, complete with colorful costumes, at tutulungan ang dalawang major characters na matupad ang kanilang mga pangarap na maging bida ang grupo nila sa kanilang talent show. Pagkatapos ng SOP Gigsters sa GMA7.
* * *
E-mail: [email protected]

vuukle comment

ARLENE MUHLACH

CARLO MACEDA

COGIE DOMINGO

EHRA

EHRA MADRIGAL

GERALD PIZZARAS

IMEE GUANIO

JASS GOT LUCKY

MICHELLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with