^

PSN Showbiz

Binaligtad pa ng Actor ang kwento: Panliligaw ng actor sa anak ng actress, inintriga!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -
Nakita sa GMA-7 compound kamakailan si Direk Joel Lamangan na siguro naman, hindi lang namasyal o dinalaw ang mga kaibigan niya sa network. Nang tanungin ng kaibigang reporter na nakasalubong niya, hindi sumagot ang director kung bakit nasa istasyon siya. Nag-’ssshh’ lang ito sa kausap na ang ibig sabihin ay wag siyang maingay. Kung pareho ang naiisip n’yo sa naisip namin nang unang marinig ang balitang ito, ang ibig sabihin, babalik si direk Joel sa pagdidirek sa Ch. 7. In fact, sa director na raw nakatoka ang isa sa mga bagong teleserye ng istasyon na bawal pang sabihin ang clue.

Kung inyong natatandaan, si Direk Joel ang director ng Kung Mawawala Ka, isa sa pinakamagandang soap ng Ch. 7 na hanggang ngayon, di pa makalimutan ng viewers. Si direk din sana ang magdidirehe ng Darna pero, dahil natagalan ang pagsisimula nito, tinanggap ang offer ng ABS-CBN to helm Vietnam Rose.

Hindi na uli ito tumanggap ng directorial job sa TV dahil naging busy sa pelikula. If ever, sa Ch. 7 siya babalik sa pagtatrabaho sa telebisyon. Matanong nga si direk tungkol dito pag nakita namin sa shooting ng Zsa Zsa Zaturnnah ng Regal.
* * *
Nagpaalam ang magaling at gwapong actor na ito sa actress at mother ng isang sikat na female celebrity kung pwedeng ligawan ang anak. Kahit matanda ng ilang taon ang actor sa anak, pumayag ang ina ng female celebrity dahil wala siyang makitang masama kung liligawan ang anak. Isa pa, kilala niya ang actor dahil nagkakasama sila sa paggi-guest sa mga show at nababaitan siya rito.

Hindi natuloy ang balak na panliligaw ng actor sa female celebrity at hindi na rin nagtanong ang actress mother nito. Nagulat na lang ito nang may maglabasang tsismis na ang anak niya ang naghahabol sa actor at dinedma naman daw ng actor. Nasaktan ang actress para sa anak dahil alam niya ang real score pero, di na lang kumibo para hindi na lumaki ang isyu.

Disappointed din ang female celebrity sa turn of events. Nagtampo raw ito sa actor na itinuring niyang kaibigan dahil hindi man lang siya ipinagtanggol sa mga kaibigan nito na nanira sa kanya.

Hindi na uli nagkita ang actor at female celebrity pero, nag-sorry ang actor sa ina nito na agad namang tinanggap ang paghingi nito ng paumanhin.
* * *
Huling linggo na ni Clarisse o Ex-O (Sunshine Dizon) sa Captain Barberll dahil sa Wednesday, mamamatay na siya. Papalitan siya ng bagong makakalaban ni Captain Barbell na si Black-Out na gagampanan ni Wendell Ramos. Pero, bago mamatay si Ex-O, magkakaroon muna sila ng matinding sagupaan ni Captain Barbell.

Sa libing ni Clarisse, simula rin nang paglitaw ng isa sa mga bagong makakalaban ni Captain Barbell na si Magnetika. Isa siyang magaling na actress na identified sa ABS-CBN na pwedeng mag-guest sa GMA-7.

vuukle comment

ACTOR

CAPTAIN BARBELL

CAPTAIN BARBERLL

CLARISSE

DAHIL

DIREK JOEL

DIREK JOEL LAMANGAN

EX-O

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with