^

PSN Showbiz

Shamrock, sumikat dahil sa MKM

KWENTONG SHOWBIZ - Ernie Pecho -
Noong unang ilabas ang "Are You Serious" album ng Shamrock, hindi gaanong masigla ang pagtanggap ng publiko. Kung talagang sisikat at bebenta, nagkakaroon talaga ng tamang paraan upang mangyari ito.

Noong naipalabas sa Magpakailanman ni Mel Tiangco ang buhay ng lead vocalist at moving spirit ng Shamrock na si Marc Tupaz, nagsimula na ang pagbulusok sa kasikatan ng kanyang banda.

Kahit saan magtanghal ang Shamrock, dinudumog na sila. Marami ng nagpapapirma ng autograph at nagpapakuha ng litrato. Kinakanta na ng marami ang kanilang mga hits sa "Alipin" (na naging theme sa Jewel In The Palace) at "Naalala Ka."

Bago nga ilabas ang repackaged version ng "Are You Serious" album, malapit na itong mag-gold.

Pagkalabas ng bagong edition ng nasabing album mula sa Universal Records, tuluy-tuloy na ang malakas na benta nito. Maaring certified gold na ang album at papunta na rin ito sa platinum mark.

Kasama sa repackaged edition ang mga Captain Barbell songs na "OK Lang, Nandito Lang Ako" at "Sana." Nasa bagong album din ang mga Fantastikids tunes na "Magtiwala Ka" at "Ako Pa Rin."

Syempre, nandito pa rin ang mga naunang hits na "Alipin" at "Naalala Ka."

Buti na lang talagang matiyaga at masikap sina Marc at lahat ng miyembro ng Shamrock. Hindi sila madaling sumuko. Kaya naman ngayon nararanasan na nila ang bunga ng lahat ng kanilang pinaghirapan.
* * *
Sa lahat ng mga tagahanga ng Sponge Cola, magkakaroon ng simultaneous airplay ang kanilang bagong single na "Bitiw" on Wednesday, Agosto 23, alas-7 ng umaga.

Abangan ninyo ang carrier single nila sa forthcoming album na "Transit" na patugtugin mula sa Metro Manila, sa Cebu, Iloilo, Davao, Cagayan de Oro at Bacolod.

Sa araw ding ito ay magkakasunod na ang airplay nito sa iba’t ibang radio station sa buong bansa.

Ang "Transit" album ay mula sa Universal Records.

Sobrang magiging kakaiba ang album launch ng "Transit" na gagawin sa Metrowalk on September 8. Tiyak na ang ibang mga kasamahang banda ng Sponge Cola ay mamamangha.

Matagal nang pinaplano ang big event na ito upang maging maayos ang lahat. Sana makisama ang panahon, para naman walang bulilyaso sa nasabing album launch.

vuukle comment

AKO PA RIN

ALBUM

ARE YOU SERIOUS

CAPTAIN BARBELL

JEWEL IN THE PALACE

MAGTIWALA KA

NAALALA KA

SPONGE COLA

UNIVERSAL RECORDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with