^

PSN Showbiz

Gustong maging direktor ni Raphael, at planong idirek ang kapatid na si Renz

RATED A - Aster Amoyo -
Birong iminungkahi ng ating kasamahan sa panulat na si Dinno Erece na pagsamahin sa isang pelikula sina Yasmien Kurdi, Carlos Agassi at Uma Khouny na love triangle ang tema.  Pag-aagawan nina Carlos at Uma si Yasmien.  In case hindi ninyo alam, sina Yasmien at Uma ay parehong Lebanese, at Iranian naman si Carlos.

Speaking of Carlos at Uma, magkasama ang dalawa sa horror-comedy movie na Oh My Ghost na pinagbibidahan nina Rufa Mae Quinto at Marvin Agustin na dinirek ni Tony Y. Reyes sa ilalim ng OctoArts Films at  showing  na ngayon in 100 theaters nationwide simula nung Miyerkules.
* * *
Nung mga bata pa ang dalawang anak nina Rudy Fernandez at Lorna Tolentino na sina Raphael at Renz, mahiyain ang mga ito at ayaw sumama sa mga showbiz functions. Pero, nung magbinata na ang dalawa ay naging open na sila sa pakikisalamuha sa ibang tao. Maging sa mga pictorials ay game na rin sila.

Nagkaroon kami ng rare chance na mai-pictorial ang mag-anak sa kanilang bahay sa White Plains para sa Celebrity Living Magazine.

Twenty-two years old na si Raphael at 20 naman si Renz na isang star material kung nanaisin lamang nito na pasukin din ang mundo ng kanyang mga magulang. Malaki ang hawig ni Renz sa kanyang kuya na si Mark Anthony Fernandez.

Tinanong namin si Renz kung may balak ba siyang sundan ang yapak ng kanyang mga magulang at nakatatandang kapatid na si Mark.

"Sa ngayon wala.But I’m not saying na wala akong interes.Ayoko munang magsalita ng tapos," aniya.

"Pero mag-aartista siya para sa akin," susog naman ng kanyang kuya na si Raphael na nag-aaral ng Film at Psychology sa Ateneo."

"Siya ang artista ko at ako ang mag-didirek sa kanya," ani Raphael.

Maganda ang samahan ng magkapatid.  Walang inggitan sa kanila. Kitang-kita rin namin ang pagiging masaya ng kanilang pamilya. Lalong naging close ang mag-anak nang magkasakit ng matagal si Daboy na kamuntik na rin nitong ikamatay.  Doon lalong naging close ang bonding ng mag-anak.
* * *
<[email protected]>

vuukle comment

BUT I

CARLOS AGASSI

CELEBRITY LIVING MAGAZINE

DINNO ERECE

LORNA TOLENTINO

MARK ANTHONY FERNANDEZ

RENZ

UMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with