^

PSN Showbiz

Katrina, tinalakan ni Direk!

-
Nakatanggap kami ng text messages galing mismo sa staff ng Love to Love at pinapa-follow-up ang nasulat naming mawawala na ang nasabing programa after ng Season 11.

Heto ang mensahe sa amin, "Inilalaban pa ng creative staff ang title ng show na ma-retain siya kasi sayang naman kung tatanggalin na lang, gusto nila idiretso hanggang Season 12.

"Bumubuo na nga ng concept ‘yung mga creative namin at ipi-present sa bossing at pag nagustuhan, sige diretso ng Season 12, pero kung hindi, tsugi na talaga.

"Change format na kami at malamang change title na rin at hindi na siya twinbill, isang story na lang na tatakbo pa rin ng 8 weeks.

"Nabaril pa ‘yung isang concept na gusto namin kasi ‘yung dalawang bida, hindi pwedeng umapir pala ng GMA pa."

Binalikan namin ng tanong ang nasabing staff kung bakit may nagsulat na hindi mawawala ang Love to Love?

"Siyempre, alangan namang aminin, hindi ka na ba nasanay? Dedma ka na lang ‘no!" mabilis na sagot sa amin.

Okey abangan na lang natin sa September kung ano na talaga ang mangyayari sa Love to Love na matagal ding sinubaybayan ng viewers.
* * *
"You’re so unprofessional, hindi magtatagal sa showbiz ang ganyang ugali," ito ang masakit na salitang narinig ni Katrina Halili mula kay Direk Al Quinn nung nag-taping sila ng Ganda ng Lola Ko sa Broadway Centrum last week.

Hindi lang pala kasi isa o dalawang beses nang nali-late dumating sa set ang FHM’s Sexiest Woman in Asia 2006 maraming beses na raw dahil nga sa rami ng commitments nito na hindi man lang inaayos ng GMA Artist Center.

Kwento mismo ng staff ng Ganda ng Lola Ko sa amin, "Pinagsabihan na siya before na huwag naman niyang paghintayin ‘yung mga veteran actress at sina Camille Prats kasi nakakahiya, inaabot ng two to four hours late, e, nakakainit nga naman ng dugo.

"Kaya nitong huli, napagalitan na siya ni Direk Al Quinn, e, ang Katrina, nag-make face,e nakita sa salamin, hayun mas lalong tinalakan siya ni direk Al."

Dagdag sabi pa raw ng direktor, "Sa tagal ko sa showbiz,ngayon lang ako nakakita ng artistang tulad mo."

"Ang mali naman kasi kay Katrina, imbes na mag-sorry o lambingin si direk, nag-make face pa at umismid, e, sinong matutuwa no’n?" — REGGEE BONOAN

vuukle comment

ARTIST CENTER

BROADWAY CENTRUM

CAMILLE PRATS

DIREK AL QUINN

KATRINA HALILI

LANG

LOLA KO

SEXIEST WOMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with