^

PSN Showbiz

Rocker na si Champagne

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Matapos manalo sa GMA Metropop Star Search noong 1998 ay naging abala pa rin ang magandang si Champagne Morales sa pagiging host ng iba’t ibang events gayundin sa telebisyon kung saan naging co-host ito ni Manny Pacquiao sa Sports Idol sa Channel 13 noong Nobyembre ng nakaraang taon.

Ang kanyang musika ngayon ay malayo sa mga theater songs nito noong siya’y bata pa o kaya’y ang mga nai-record na ballads noong siya’y bagets. Nagsimula itong makinig sa rock music at bumuo ng sariling banda na tinawag niyang Skin sa tulong ng producer na si Al Albert.

"The name Skin embodies the raw aspect of their sound and Skin’s music displays a knack for melody, with hooks that leave the songs stuck in your head," aniya.

Ang mga original compositions na inaawit ngayon ni Champagne ay nagsasaad ng pagiging magaling nitong artist at songwriter.
Anak Ni Gladys, Umeksena
Kahit saan magpunta si Gladys Reyes karay ang limang buwang anak na si Gian Kristoff na pinagkakaguluhan lalo na sa set kapag may taping ang aktres. Proud na proud ito sa anak dahil super guwapo at namana ang gandang lalaki sa ama at angkan nito na mga Pranses.

Lagi ngayong nagiging guest si Gladys at ang kanyang anak sa mga shows sa Siete. Hindi kami magtataka na kapag lumaki-laki lang ito ay baka kunin itong endorser.
Marissa, Nagrereklamo Sa Billing
Napanood namin ang I Wanna Be Happy at nagalingan kami sa akting ni Marissa Delgado na kasama halos sa kabuuan ng pelikula bilang best friend ni Gloria Romero. Malaki ang naging kontribusyon nito sa mga nakakatuwang eksena.

Kaya lang, nakakalungkot isipin na nagrereklamo ang aktres dahil hindi man lang nalagay sa billing o poster ang kanyang pangalan. Pakiramdam niya ay hindi nabigyang halaga ang kanyang partisipasyon sa pelikula.

Kung tutuusin, mas markado pa nga siya kaysa sa mga lumabas na apo ni Gloria Romero. Tanging si Michelle Madrigal lang ang lumutang ang akting.
Paboritong Daddy Ni Mark
Ilang pelikula na ang nilabasan ng magaling na dramatic actor na si Juan Rodrigo bilang ama ni Mark Herras gaya ng Now and Forever at Love To Love. Sa pelikulang Eternity ay siya uli ang gaganap na ama ng young actor.

Maganda naman ang working relationship ng dalawa at sinabi ni JR na malaki ang improvement ngayon ni Mark sa pag-arte.

"Tutal bata pa naman si Mark at marami pang pagkakataon para mahasa sa pag-arte kapag sineryoso ang akting," aniya.

Hindi lang magaling na aktor si JR kundi mahusay ding singer. Kasama ito sa second album ng Crystal Voice of Asia na si Marri Nallos.

Marami ang nakapuna na bumata ngayon si JR matapos magbawas ng timbang.
Blind Item: Sexy Actress, Lulong Sa Droga
Nanghihinayang kami sa sexy actress na ito na nagbida na rin sa pelikula. Minsan ay dumalo ito sa isang showbiz happening at syempre komo matagal-tagal din siyang namahinga sa showbiz ay nilapitan ito ng ilang kaibigang writers.

Napuna nila na super payat nito at tuyo’t na tuyo’t ang balat.

Parang naniniwala sa balita ang mga naroong bisitang reporters na nagugumon ito sa ipinagbabawal na gamot.

Ang ganda-ganda nun at seksing seksi ng aktres pero ngayon ay nagmukha itong matanda.

vuukle comment

AL ALBERT

ANAK NI GLADYS

BLIND ITEM

CENTER

CHAMPAGNE MORALES

GLORIA ROMERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with