^

PSN Showbiz

Para magkasya ang maraming endorsement Manny, naka-long pants na sa susunod niyang laban

-
Tama ang naging desisyon ng bossing ng SOP na mag-replay na lang sila ng mga ‘best of’ ng programa na ipinalabas nila nung Linggo dahil hindi na raw sila umaasang mananalo sa ratings over Mano-A-Mano nina Manny Pacquiao at Oscar Larios.

Eksakto, dahil sinira mismo ni Pacquiao ang sarili niyang record na itinala sa history ng Philippine Television, nung laban nila ni Erik Morales ay nagkamit siya ng 58%, samantalang sa nakaraang laban niya kay Larios ay nakuha niya ang pinakamataas na rating ever na 65.4% samantalang nagkamit naman ang programang SOP ng 4.9%.

Malaki naman ang natipid ng SOP dahil wala silang binayaran na staff at guests kaya wala sila care kung nakakuha man sila ng 4.9%.

Say ng taga-SOP, "Pinaghandaan talaga namin ‘yun, alangan namang mag-suicide kami kina Pacman at Larios.  In fairness, malaki ang natipid ng GMA huh."
* * *
And speaking of Manny Pacquiao ay may running joke ngayon sa ABS-CBN na baka sa susunod na laban daw ni Manny ay naka-long pants na ito at hindi na short pants dahil wala nang paglalagyan ang mga produktong ini-endorso niya.

Say mismo ng aming kausap na taga-Dos, "Pustahan sa next bout ni Manny, naka-long pants na ‘yan sa rami ng endorsements niya, para na siyang walking advertisements, e, siya na halos ang laman sa telebisyon, radyo at diyaryo.

"Mas marami na siyang product endorsements kesa kina Aga Muhlach at Sharon Cuneta.

Nakakaloka na nga naman ang kasikatan ni Manny dahil nung mismong araw ng laban niya ay naging instant fan niya ang mga sikat na artista at pulitikong nanood sa kanya sa Big Dome dahil panay ang hiyaw sa pangalan niya.
* * *
Awa ang naramdaman namin sa isang struggling actor from the south dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin siya maka-recover sa paghihiwalay nila ng girlfriend niyang artista rin na naging instant sikat dahil naging leading lady ito ng sikat na matinee idol kamakailan lang.

Panay ang tanggi ng aktres na naging boyfriend niya ang struggling actor na kababayan pa mandin niya, never daw silang naging mag-on, kundi magkaibigan lang.

Ang kwento ng struggling actor from the south ay pinagsabay sila ng aktres, isa ring aktor na komedyante naman at nakasama ni aktres sa isang weekly tv show.

Ang sakit-sakit daw ng loob ni struggling actor dahil lahat ng pagdi-deny ng girlfriend niyang aktres ay tinanggap niya para lang hindi ito masira sa ibang tao, pero hindi na raw niya matiis dahil hanggang ngayon ay pangit pa rin ang naging image niya sa lahat dahil nga lumabas na sadista siya na ultimo paboritong alagang aso ng aktres ay pinatay niya dahil sa selos.

Say pa ng aktor sa reporter na pinagkatiwalaan niya ng istoryang ito ay, saan ka nakakita na alas tres ng madaling araw ay may kausap itong lalaki sa cellphone tapos ang sasabihin niya, kaibigan niyang babae, ‘yun pala ‘yung boyfriend na niya ngayon?

Dagdag pa na mahal na mahal ng struggling actor from the south ang girlfriend niyang aktres dahil nga isang taon ding umabot ang relasyon nila.

As of now, bisi-bisihan si struggling actor sa career niya at hoping siya someday na ma-realize ng girlfriend niyang aktres ang mga pinaggagawa nito sa buhay niya.
* * *
Naka-tsikahan namin ang isa sa bossing ng programang Nagmamahal Kapamilya sa ABS-CBN compound last Tuesday night at masaya niyang ibinalita na maganda ang feedbacks at ratings ng naturang programa, ang eksaktong say ng bossing ay, "We’re safe, hindi kami masisibak."

Isang taon ang kontrata ng Nagmamahal Kapamilya sa ere, pero depende raw kung ie-extend pa ito at sa katunayan ay paalis na naman daw ang staff ng programa para sa shooting sa ibang bansa.

Medyo nahihirapan daw silang ipaalam ang host ng programa na si Bernadette Sembrano dahil nga regular ito sa Magandang Umaga Pilipinas at Weekend TV Patrol. — REGGEE BONOAN

vuukle comment

AGA MUHLACH

AKTRES

BERNADETTE SEMBRANO

BIG DOME

DAHIL

ERIK MORALES

NAGMAMAHAL KAPAMILYA

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with