^

PSN Showbiz

Kris, naiirita sa anak ni Alvin Patrimonio!

-
Nakakasilaw talaga sa kaputian si Kris Aquino, ito halos ang comment ng ilang katoto na bibihirang makita ang maybahay ni James Yap ng personal.

Paano naman, naka-backless ang ‘reyna’ ng ABS-CBN (12x a week siyang napapanood sa TV-Pilipinas, Game K N B?, The Buzz at ang Kapamilya, Deal or no Deal) sa presscon ng "huling" pelikula niyang Sukob under Star Cinema kasama si Claudine Barretto-Santiago.

"Pangako ko kay James that Sukob will be my last movie. Since tv hosting naman talaga is my job, so I’d rather give up my movie career."

Samantala, malaki na talaga ang nabago kay Kris dahil kung dati-rati’y parang machine gun itong magsasagot sa bawa’t isyung ibinabato sa kanya, ngayon ay hindi na.

Tulad sa isyung may ibang babaeng naanakan daw ang kanyang asawang si James na ikinagulat naman ng basketbolista nung malaman ito.

"As much as possible, I don’t want to answer na kasi it’s not true naman at payo sa akin ng asawa ko, if I’m not going to answer, hindi hahaba, so hindi na lang ako kikibo, kasi it’s not true," malambing na pahayag ni Mrs. Yap.

Tungkol naman sa binatilyong si Angelo Patrimonio na anak ng ex-boyfriend niyang si Alvin Patrimonio na nakapagsalita raw ng tungkol kay Kris during the launching ng new talents ng Star Magic ay halatang nairita ang asawa ni James.

"Napakalaki ng ABS-CBN, anybody has the right na pumasok dito and I’ve been here for so long, sana lang, irespeto naman nila ang kasal ko at asawa ko. Iba na ang sitwasyon ngayon, so, I guess that answers the question na," saka sinabayan ng magandang ngiti.

Biniro ito kung igi-guest niya si Angelo sa game shows niya at ang simpleng sagot ni Tetay, "I’m M-A-T-U-R-E na, sabi nga mature."

Meaning hindi makakatuntong sa alinmang programa sa ABS-CBN na naroon si Kris ang anak ng dati niyang boyfriend na basketbolista rin.
* * *
Bilib na talaga kami sa lakas ng 22nd Street Comedy Bar ng magkapatid na Mon at Kai Confiado na nasa Marcos Highway going to Antipolo dahil alas onse na ng gabi ay nagkatrapik-trapik sa nabanggit na lugar dahil sa sangkaterbang mamahaling sasakyan ang nakaparada na halos masakop na nito ang kalsadang nasa harap ng comedy bar.

Tenth year anniversary at re-launching din kasi ng 22nd Street last Friday night at kagabi, Saturday kaya punumpuno ang nabanggit na venue.

In fairness, kumpleto ang mga bisitang dumating tulad last Friday na sina Say Alonzo na naka-gown pa dahil nanggaling pa raw ng Star Awards for Movies sa Westin Philippine Plaza, Frenchie Dy na maski umuulan na ay okey lang mabasa at sina Toni Gonzaga at Sam Milby na nanggaling pa ng Bench Fever sa Araneta Coliseum at ang pinakakaabangan ng lahat, ang multi awardee sa nakaraang Awit Awards na si Bamboo.

Samantala, nabanggit ni Mon na panay pa rin ang ocular inspection niya sa buong Davao City kung saan niya balak itayo ang ika-apat na branch ng 22nd Street dahil base sa obserbasyon niya sa nabanggit na bayan ay tila hindi uso sa kanila ang night life dahil pagpatak daw ng alas siyete ng gabi ay tulog na ang mga tao as in wala nang naglalakad sa kalye, kaya iniisip niya kung saan niya ipupuwesto ang kanyang comedy bar.
* * *
Una naming nasulat dito na nagpadagdag ng butt sina John Estrada at Keanna Reeves at sa nakaraang Bench Fever na ginanap sa Araneta Coliseum last Friday night ay ang magandang hubog ng puwet ni John ang pinakaabangan ng lahat at iisa ang halos sinabi ng mga nakapanood, "S...., ang ganda ng wetpu ni John, panalo ang pagkakagawa."

Oh well, ‘yan ang wonders na nagagawa ng siyensya kaya hindi na kami magtataka kung halos lahat ng artistang kulang sa butt ay magpupuntahan sa kani-kanilang mga cosmetic surgeon para magpasaksak ng collagen.

Anyway, malalaman isa sa mga araw na ito kung paano napapayag ni Dra. Vicki Belo si John na magpadagdag ng butt gayung alam naman ng lahat na hindi vain ang actor. — REGGEE BONOAN

vuukle comment

ALVIN PATRIMONIO

ANGELO PATRIMONIO

ARANETA COLISEUM

AWIT AWARDS

BENCH FEVER

CLAUDINE BARRETTO-SANTIAGO

DAVAO CITY

FRENCHIE DY

GAME K N B

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with