^

PSN Showbiz

K Brosas, Miss Freshman nung 1st year high school, next year tomboy na siya!

- Veronica R. Samio -
Walang pangiming inamin ni K Brosas ng popular na grupong K and the Boxers na naging beauty queen siya nung kabataan niya, nung high school niya sa St. Paul’s College, QC.

"Naging Miss Freshman ako pero, susunod na taon pala, Mr. Pogi na ang beauty ko. Ganun siguro kapag nasa exclusive all girls school ka, nagkakaro’n ng tendency na maging tomboy (ish) ang mga girls pero sandali lang ’to at di ako nagkaro’n ng relasyon sa kapwa ko babae.

"Niligawan din ako ni Maureen (Larrazabal) na ahead sa akin ng isang taon. We both outgrew that stage and grew up to be real women," ani K who’s full name is Ma. Carmela and who is celebrating her birthday with a big bang. Magkakaro’n siya ang birthday concert sa Ratsky Morato sa July 15 na pinamagatang K Brosas Bar Girl.

"Lumaki ako sa music bars, 17 pa lang ako kumakanta na ako," imporma niya.

Mula sa pagiging sing-along master, pangunahing performer na siya sa live entertainment circuit, solo at kasama ang The Boxers.

Regular siyang napapanood sa Hokus Pokus at Bitoy’s Funniest Video ng GMA. These shows have established her as a comic.

Sa concert, sasamahan siya nina Kyla, Keanna Reeves ("Dati load lang okay na siya. Ngayon cellcard na," biro niya), The Boxers, Gerald Santos, The Drag Ons, at Regine Velasquez. May duet din sila ng anak niyang si Crystal.
* * *
Mabuti naman at nagpursigi si Lovi na makapasok ng local showbiz. It would be a great loss kung di niya mai-share ang kanyang talent at di maipagpatuloy ang legacy na iniwan ng kanyang ama, action king and National Artist Fernando Poe, Jr. He would have been proud of Lovi, who is now making a name for herself in the music world.

Isa nang recording artist si Lovi, pinagkatiwalaan ng Sony/BMG Music Entertainment ng isang album ("The Best of My Heart") na naglalaman ng 13 tracks na ang unang single ( ("I Love You") ay naging most requested sa radyo. Ganito rin ang nangyayari sa bagong single na mula sa nasabing album ("I Never Knew Love"), madalas na itong patugtugin sa radyo.

May tribute din si Lovi kay FPJ ("You’re Still Here") na iniyakan niya matapos niyang i-record.

At 17, maswerte na si Lovi na talunin ang ilang female Asian singers para maka-dweto sina Clint at Bob Moffat sa "Without You" na iri-release internationally.
* * *
Ayon kay Art Padua at Jun Quintana na-move ang Famas Annual Awards Night sa July 15. Magaganap ito sa UP theater at magkakaro’n ng coverage sa ABC 5 on the same night.

Nagpapasalamat nga pala ako in advance sa FAMAS at maging sa pamilya Vera Perez (Mommy Nene, Manay Ichu, Manay Gina, Bechay, Chona at ang mga Perez guys) dahil ako ang napili nilang pagkalooban ng parangal para sa Dr. Jose R. Perez Memorial Awards na ipinagkakaloob taun-taon at tuwing FAMAS Awards Night.

Salamat po.
* * *
E-mail: [email protected]

vuukle comment

AKO

ART PADUA

AWARDS NIGHT

BEST OF MY HEART

BOB MOFFAT

DR. JOSE R

DRAG ONS

FAMAS ANNUAL AWARDS NIGHT

LOVI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with