^

PSN Showbiz

Jennylyn, imbyerna kay Jolina?

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Nagtataka si Jennylyn Mercado kung saan nanggagaling ang intrigang naiimbyerna siya dahil ayaw nitong makasama sa teleseryeng I Love New York si Jolina Magdangal.

Mariin itong pinabulaanan ng aktres at sinabing nahihiya siya sa intriga dahil baka akalain ni Jolens na totoo nga ang balita. Mataas ang respeto ni Jenny sa magaling na actress-singer at gusto nga niyang makasama ito sa pelikula na nagkaro’n naman ng katuparan sa soap opera nga nila. Wala itong reklamo kahit mauna pa sa billing si Jolens.

Umalis noong Linggo ng gabi ang grupo ni Jennylyn minus ang ina-inahang si Mommy Lydia dahil maghahanda naman ito para sa birthday concert ng singer-actress sa Mayo 15 katulong si Becky Aguila.

Baka dumating si Jenny sa April 24 mula sa pagti-taping sa New York.
May Debut Album Na
Nai-released na ng Backroom baby na si Kim Flores ang kanyang debut album "Something" at "First Sight" kung saan pinuri ang kanyang kahusayan sa pag-awit.

Bata pa lang ay pangarap na nitong maging singer-performer kahit wala siyang pinagmanahang magaling umawit sa pamilya. Nag-iisa itong anak kaya pangarap ng magulang na ma-maintain ang matataas na grado sa iskwela at kaya pinayagang matupad ang pangarap na maging recording artist ng Ivory Music.
Okay Magka-Anak Ng Bading
May four year old son na si Cherry Pie Picache na si Jose Antonio sa nobyong si Gary Tria.

Tinanong si Cherry Pie kung payag ba siyang magkaanak ng bading?

"Okey lang at susuportahan ko siya dahil anak ko siya. Pero wag naman sanang maging bading si Jose dahil pangarap kong mabigyan niya ako ng apo," anang aktres.

Hindi na nila napag-uusapan ng karelasyong si Gary ang tungkol sa kasal dahil nakaka-pressure ito at baka maudlot na naman.
Di Namimili Ng Role
Kahit katulong ang role ni Valerie Concepcion sa Moments of Love ay markado naman ang papel na ginampanan.

Hindi namimili ng role si Valerie basta’t ang mahalaga ay may proyekto itong ginawa ngayon. Kabi-kabila naman ang offer nito dahil magaling itong umarte at kailangang kumayod sa lumalaki nang baby.
Blind Item: Iginarahe Na Ng Mayamang Negosyante
Sana naman ay makabalik-pelikula ang sikat na aktor dahil puno ito ng talento. Nanamlay ang career nito dahil may attitude problem kung saan laging ibinibitin ang trabaho.

Pero gaano katotoo na iginarahe na ito ng mayamang bading na negosyante at sinunod na ang kanyang luho pati ang paggamit ng masamang bisyo?

Bukod kasi sa magaling umarte ay gwapo rin ang aktor at malakas pa ang appeal lalo na sa mga mayayamang bading.

BECKY AGUILA

BLIND ITEM

CENTER

CHERRY PIE

CHERRY PIE PICACHE

DAHIL

DI NAMIMILI NG ROLE

FIRST SIGHT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with