^

PSN Showbiz

Mga balasahan sa ABS-CBN

RATED A - Aster Amoyo -
Sa pag-resign ng presidente at COO ng ABS-CBN na si G. Luis Alejandro, nagkaroon ng  mga pagbabago sa top management team ng Star Network.  Ang chairman at CEO na si G. Eugenio "Gabby" Lopez III ang siyang aako sa posisyong binakante ni G. Alejandro habang si Charo Santos-Concio na kasalukuyang EVP Entertainment Group ay na-promote bilang EVP at Channel Head ng Channel 2.  Sa kanyang bagong posisyon, si Charo na ang mamamahala sa kabuuan ng channel programming, on-air operations at maging ang over-all revenue and profit delivery ng Dos na siyang flagship ng ABS-CBN.

Na-appoint naman si G. Antonio "March" Ventosa (dating managing director ng Hemisphere Leo Bernett Advertising) bilang pinuno ng ABS-CBN Marketing habang si G. Agustin "August" Benitez naman, dating Associate Managing Director ng ABC-5 at nagmula rin sa iba’t ibang malalaking  advertising agencies ay siya ngayong pinuno ng Customer Development Group ng Channel 2.

Dahil sa mga pagbabagong ito sa organisasyon ng ABS-CBN, inaasahan din ang maraming pagbabago sa internal operations at programming ng Kapamilya Network.

Samantala, ano na kaya ang nangyari sa muling pagbabalik sa ere ng controversial game show na Wowowee? 

Sa pagkakaalam namin, dapat sana’y muli itong babalik sa ere simula nung nakaraang Miyerkules, Marso 1 pero nang dumating ang araw na ‘yon ay walang Wowowee na napanood. 

Ayon sa VP for Government, Corporate Affairs and PR ng ABS-CBN na si Maloli Espinosa, pinag-aaralang mabuti ng management. Kung itutuloy pa nila ito o hindi sa orihinal na titulo.

Kung pagbabasehan ang aming naisulat sa aming kolum may dalawang linggo na ang nakakaraan, siguradung-sigurado na ang pagbabalik ng daily game show ni Willie Revillame pero ito’y muling naudlot dahil na rin sa ilang mga kaganapan at mga pagbabago sa loob at labas ng ABS-CBN.
* * *
[email protected]

vuukle comment

ASSOCIATE MANAGING DIRECTOR

CHANNEL HEAD

CHARO SANTOS-CONCIO

CORPORATE AFFAIRS

CUSTOMER DEVELOPMENT GROUP

ENTERTAINMENT GROUP

HEMISPHERE LEO BERNETT ADVERTISING

KAPAMILYA NETWORK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with