^

PSN Showbiz

Saka na lang ang pag-aaral?

-
Isang bagay ang pwedeng ipagmalaki ni Christian Bautista at ito ay ang pagkakaroon ng college degree. Karamihan sa mga winners ng singing search ay high school lamang ang naabot at saka na lamang daw ipagpapatuloy ang kanilang pag-aaral.

Ang tanong ay kailan pa? Most of them ay three times a week kung mag-taping. Ang natitirang mga araw ay ipinamamahinga kung walang mga ibang raket na papasok. Strike while the iron is hot ika nga at saka na lamang ang pag-aaral. Dito naiiba si Christian na binigyan ng Gold Record award ng Warner Music Phils. for his new album "Completely".

"Wala akong planong maging mang-aawit pero dumating ang opportunity kaya hindi ko ito inatrasan. I’m lucky dahil tapos na ako ng aking pag-aaral," he says.

More than satisfied si Christian sa napakagandang takbo ng kanyang singing carrer. Patuloy siyang mangangarap tungo sa lalong igaganda nito. Gusto niyang maging international artist hindi lamang sa buong Asya kundi sa apat na sulok ng daigdig.
* * *
Naiiba si Kim Flores dahil hindi siya produkto ng mga song competition tulad nina Sarah or Rachelle Ann Go. She almost joined Star in a Million pero ni-reject dahil she was too young. Ipinadala ang demo tape sa Ivory Music ng Backroom at hayan, recording artist na ang 15 year-old na boses sopranong si Kim.

Nakakagulat ang ganda ng tinig ni Kim lalo na’t pinakinggan ninyo ang "Fantasy" ng Earth Wind and Fire. Hindi lang birit ang kaya niyang gawin. Voice-wise ay para siyang young Lani Misalucha.

Ang mga favorite singers ni Kim ay sina Kelly Clarkson, Charlotte Church (whose voice sounds like an angel) at Mariah Carey.

Dahil managed ni Boy Abunda, madaling naisama si Kim sa mga concert ng sikat nating singers. She played the young Regine Velasquez sa "Reflections".

Ivory Music
made Aiza Seguerra a top acoustic singer via "Pagdating ng Panahon". Sila rin ang nagpatanyag sa napakasikat ngayong MYMP, Juris at Chin. For 2006, the name na tututukan nila ng husto ay si Kim Flores. — Alex Datu

vuukle comment

AIZA SEGUERRA

ALEX DATU

BOY ABUNDA

CHARLOTTE CHURCH

CHRISTIAN BAUTISTA

EARTH WIND AND FIRE

GOLD RECORD

IVORY MUSIC

KIM FLORES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with