^

PSN Showbiz

Korina, almusal every morning kasama si Sen. Mar at ang pamilya nito

-
Hindi itinatago ni Ms. Korina Sanchez na isa sa dream niya ay ang magka-anak kapag nag-asawa na siya, pero paano mangyayari ‘yun kung hindi pa pala sila magpapakasal ng kanyang fiance na si Senator Mar Roxas.

"We’re talking about our future, pero hindi pa napunta ang usapan on settling down. Kaya nga I’m taking up supplemental medicines to keep my reproductive system active para puwede pang magka-anak, di ba?" pahayag ni Ms. Sanchez.

At klinaro rin niya ang isyung live-in na sila ni Sen. Mar dahil every morning ay nakikita siya ng mga kapitbahay na lumalabas sa gate ng Araneta compound along Tuazon Avenue, Cubao, QC.

"Of course not, ang mahal-mahal ng renta ko sa bahay ko ‘no? I have my own place sa Bel-Air. A, siguro nakikita ako kasi I join him (Mar) every morning for breakfast together with his family.

"Kasi tumatawag si Mar at sabi niya, do’n ako mag-breakfast and since on the way naman siya sa ABS-CBN kaya dumadaan ako.

"I woke up at 6:30AM, I leave the house at 7AM, and before 8:30, I’m at the office na for my morning DZMM radio program with Ted Failon," paliwanag pa ng future Mrs. Roxas.

Ang maganda raw sa relasyon nila ng kilalang Senador ay pareho silang homebody, "Kaya nagkakasundo kami na kung may time kaming magkita, sa bahay na lang niya o he visits me in my house. Hindi kami ma-gimmick at napagdaanan ko na ‘yun kaya siguro nage-enjoy na lang akong nagkukuwentuhan kami."

Samantala, dalawang malaking event ng ABS-CBN ang gaganapin ngayong Sabado, December 10 sa ganap na alas tres ng hapon hanggang alas siyete ng gabi ay may gift giving para sa mga unfortunate kids na gaganapin sa Paskong Pasiklab carnival na iho-host mismo nina Korina at Ted na may titulong Maligayang Paslit.
* * *
Klinaro na rin ni Angel Locsin ang isyung "Ginagamit" niya si Nadine Samonte para pag-usapan ang katatapos lang na telefantasyang Darna at ang pelikulang Mulawin, The Movie ng Regal Entertainment na entry sa MMFF 2005.

Ito kasi ang pasaring ng kampo ni Nadine na parati raw ikinakabit ang name ni Angel kay Nadine para i-angat ang karir ng current girlfriend ni Oyo Boy Sotto.

"Alam n’yo, ni minsan hindi ko siya binanggit sa mga interview ko, ako ang tinatanong kung kumusta na ang relasyon namin at kung okey na kami. Sinasagot ko lang ng maayos wala kaming "gap" although hindi kami talaga nag-uusap dahil wala naman chance.

"Pero hindi ibig sabihin no’n, may problema kami ni Nadine, sa akin wala talaga, hindi ko alam sa kanya. At saka sa rami ng trabaho ko, maiisip ko pa ba ‘yung isyung ‘yan?

"At saka hindi po ako nanggagamit ng tao, kailanman, wala akong ginamit na tao at kung ano ang totoo, ‘yun lang ang sinasabi ko," klarong pahayag ng dalaga. — Reggee Bonoan

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

KAYA

MALIGAYANG PASLIT

MRS. ROXAS

MS. KORINA SANCHEZ

MS. SANCHEZ

NADINE

NADINE SAMONTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with